Silipin Ang 24-Hours Mag-Jowa Challenge Nina Erich Gonzales At Enchong Dee

Isa sa mga tambalan na talaga namang nagbigay kilig sa puso ng bawat manonood sa telebisyon, ay ang tambalang Erich Gonzales at Enchong Dee o “EnRich”.



Matatandaan na taong 2009, ng unang pag tambal ang dalawa sa primetime series na “Katorse” na mapapanood noon sa ABS-CBN, at matapos nga nito ay ilang mga proyekto at pelikula na ang sunod-sunod na pinagbibidahan at pinag tambalan ng dalawa.
Image Credit via YouTube
Ngunit sa kabila ng pagiging magka-tambal ng dalawa, at nakakakilig na chemistry nila sa isa’t isa, ay hindi umabot sa punto na magiging real-life couple sila, bagkus ay naging matalik na magkaibigan sina Erich at Enchong.
Image Credit via YouTube
Ngayon na panahon ng quarantine, ay naging madalas ang pagsasama ng matalik na magkaibigan na sina Enchong at Erich, eto ay pang makapag-shoot sila ng origina content para sa kanilang YouTube Channel na, EnRich Originals.
Image Credit via YouTube
Nito lam ang nakaraan ay isang nakakakilig na vlog ang ibinahagi nina Erich at Enchong sa kanilang Youtube channel, at ito nga ay ang “24-hours mag-jowa challenge’ na kanilang ginawa.
Image Credit via YouTube
Ayon kay Erich, sa challenge na ito, ay kinakailangan nilang mag-pretend ni Enchong na sila at totoong mag-jowa,at ito nga ay gagawin nila sa loob ng 24-oras.
Image Credit via YouTube
Sa unang bahagi pa lamang ng video, at sa pagsisimula pa lamang ng kanilang challenge, ay agad ng tinawag ni Erich ang aktor na ‘boyfriend’, at ang itinawag naman ni Enchong sa aktres ay ‘sexy’.
Image Credit via YouTube
Unang ginawa nina Erich at Enchong sa kanilang challenge, ay ang pagtambay nila sa veranda , kung saan habang sila ay nag-papractice ng vocalization, ay kasabay nito pag-inom nila ng mainit na green tea.
Image Credit via YouTube
Tinanong naman ng aktres si Enchong , kung ano ang pinaka-nagustuan niya sa kanya na “jowa” nito. “I really like your fighting spirit. Professionally, you remind me to take care of ourselves. And i must admit, i really love your hair’, ang naging sagot ng aktor.
Agad naman itong sinagot ni Erich ng isa ring papuri para sa katangian na mayroon ang aktor. “sweet naman pala talaga” at “super maabilidad at smart.”
Ilan pa nga sa mag-jowa challenge na ginawa ni Enchong at Erich, ay ang kanilang mga tambay sa sofa, kung saan silang dalawa ay naglaro ng Call of Duty.
Sabay rin silang kumain ng tanghalian, at kung ano-ano pa ang mga nakakakilig moments ang kanilang ginawa. Marami nga sa mga tagahang ang dalawa ang talaga namang kinilig sa “mag-jowa challenge’ na kanilang ginawa, dahil kitang kita naman talaga kana Erich at Enchong ang pagkakaroon nila ng chemistry sa isa’t isa.
Noon ngang ika-23 ng Agosto, ay ibinahagi ni Erich at Enchong sa kani-kanilang Instagram account na silang dalawa ay magkasamang muli, at ito ay sa kanyang ginawang original series sa ilalim nga ng Enrich Originals.



Batid natin na ngayon ay pareho ng may kanya-kanyang proyekto sina Erich at Enchong , ngunit magkaganoon man ay nanatili ang pagiging matalik nila ng magkaibigang dalawa.
Video Credit: enrich/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=ATFiQHjUiXc
Kung atin namang babalikan, ang isang naging panayam noon kay Enchong Dee, ay matatandaan na inamin ng batang aktor, na niligawan niya noon ang ka-loveteam niyang si Erich Gonzales, ngunit hindi umano ito umabot sa punto na silang dalawa ay magiging real-life couple dahil na-realized nila na mas makakabuti sa kanilang dalawa, kung mananatili lamang silang matalik na magkaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *