Silipin Ang 3-Storey-Townhouse Ni Aljur Abrenica At Kylie Padilla

Isa sa mga artista na piniling mag-invest ngayon ng ari-arian ay si Aljur Abrenica. Sa isang lugar sa Quezon City, napili ng aktor na bumili ng tahanan sapagkat ang lungsod ay madaling ma-access at dito rin matatagpuan ang dalawang malalaking network sa ating bansa.

Tatlong palapag na bahay ang pagmamay-ari dito ni Aljur, at talagang nangingibabaw ito sa ganda dahil sa labas pa lamang ay bubungad na sayo ang nakamamanghang pulang pintuan.

Ang bahay niyang ito ay mala-Pad ng bachelor, at ang mabuti niyang kaibigan na si Richard V. somes na isang screenwriter-director, production designer at art director ang nagdisenyo nito.

Ng ipinanganak ng kanyang kasintahan na ngayon ay asawa na, na si Kylie Padilla ang kanilang unang anak na si Alas Joaquin ay plano ni Aljur na magkaroon ng ilang pagsasaayos sa kanyang buhay ngunit panatilihin pa rin ang orihinal nitong vibe.

“Tapos na lang ang ibang lugar para sa bata. Ngunit para sa ngayon, syempre babaguhin muna namin…si Kylie naman bahala made-design,” pagbabahagi ng aktor.

Harap ng Gate

Image Credit via Google

Marami sa mga nagmamay ari ng bahay ngayon ang nais ay mapusyaw at neutral na kulay para bigyang buhay ang ka kanilang mga tahanan, ngunit may ilan naman na mas gusto ang matingkad na kulay katulad ng kulay pula.

Isa sa mga nagtatampo na bahay na may kulay pulang gate ay ang bahay ni Aljur, na kung saan ay ang kulay nito ay tumutugma sa mga element na matatagpuan sa loob ng tahanan ng aktor.

Garahe

Image Credit via Google

Ang garahe sa tahanan ng aktor ay mayroong sapat na espasyo para sa kanyang mga motorsiklo at kotse. Nguni tang talagang agaw pansin sa bahaging ito ng kanilang tahanan ay ang mural sa isang dingding. Ito ay ang pinakamalaking mural na ginawa sa bahay, at itinatampok nito ang isang agila na lumilipad gamit ang mga salitang Legend, Live at Be Free na nakapalibot dito.

May mga kababaihan at bulaklak rin na kasama sa gawaing sining, at ayon kay Aljur ang mga ito ay sumisimbolo sa pagkakaroon niya ng mabuting puso.

Salas

Image Credit via Google

Maginhawang pakiramdam naman ang hatid ng tanawin sa sala, dahil sa pagkakaroon nito ng perpektong kumbinasyon ng matingkad na kulay, kahoy, ladrilyo at piping na nag kumpleto sa magandang pag naka-ayos nito.

May makikita rin dito na IG-worthy na silid-aklatan, at ang mga magagandang kasangkapan na gawa sa kahoy ay dinesenyo naman ni Direk Richard at kanyang mga kasama.
Mapang-anyaya naman ang hatid ng mga bench, sofa at mga armchair na may wooden base na may malambot na unan. Umakma naman ang mga unan sa kulay ng bahay ng aktor.

Kusina

Image Credit via Google

Maging ang hapagkainan at buong kusina sa tahanan na ito ng aktor ay gawa sa kahoy, at ang mga disenyo sa wall ay mga bricks tiles. Makikita rin kung gaano kalinis at kaorganize ang mga gamit sa kusina ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *