Silipin Ang 30,000 SQM. Na Bahay Ng Action Star Na Si Jackie Chan

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa Hallywood veteran actor na si Jackie Chan. Mas nakilala pa siya ng marami dahil sa mga kagila gilalas na stunts na ginagawa niya sa kanyang mga pelikula noong kanyang kapanahunan.




Tunay nga naman na tumataktak at minahal na siya ng maraming mga manonood lalo na ng kanyang mga tagahanga, dahil sa halos 150 films o pelikula na kanyang naiambag sa larangan ng mga pelikula. Maging dito sa ating bansa ay kilala at tunay na hinahangaan ang action star, dahil sa dai ng mga pelikula niya na napanood ng marami sa atin.

Image Credit via Google      

Hindi nga lang siya inidolo bilang isang magaling na action star, dahil isa rin siyang kilalang philanthropist. Isa rin si Jackie sa mga actor, na minahal ng mga taga-Hong Kong sapagkat ang kanyang pangalan ay talagang kilala saan mang panig ng mundo.

Image Credit via Google

Ngunit gaya ng ilang mga kilalang artistang dumaan rin si Jackie Chan sa maraming pagsubok sa buhay bago niya narating ang tagumpay na meron siya ngayon. Ibinahagi ng kilalang action star na sa tagal niya sa industriya, ay masasabi niya nga na ang pagiging pasensyoso at industrious ang magdadala sayo sa tagumpay na hinahangad mo.

Image Credit via Google

Ayon pa nga sa kanya, ang naging sikreto niya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap ay ang patuloy niyang pagtayo at pagbangon sa kabila ng ilang beses niyang pagkakadapa at pagkabigo.

Image Credit via Google

Ngayon na matagumpay na sa buhay si Jackie Chan, ay ilang mga properties na din ang kanyang naipundar.

Isa nga sa mga properties niyang ito ay ang kanyang huge property sa Beverly Hills sa may bandang Sunset Boulevard, na talagang nagpa-wow at nagpamangha sa maraming netizens dahil sa lawak nito.

Image Credit via Google

Sa tala ng LA Times, ang ari-arian na ito ni Jackie Chan ay nabili niya noong 1998, ngunit ibinenta rin niya ito makalipas ang 8-taon. Nagawa umano ang bahay na ito noong 1986, at nabili ng aktor sa halagang $12.25M o halagang Php612.500,000 sa pera ng Pilipinas.

Image Credit via Google

Ang nakamamangha rito ay ang lawak nito na 30,000 sqm. Na kalupaan, at ang tahanan naman na nakatayo rito ay umanot sa 7,600 sqm. Bago pa nga makapasok ang mga bisita sa malamansyong bahay na ito, ay dadaan muna ito sa isang double steel gates na papunta naman sa isang huge motor court.

Image Credit via Google

Malamansyon nga naman talaga ang dating ng bahay na ito, dahil sa living room pa lang ay napakaganda na, maging ang dining area ay napa-class. Maging ang family room ng tahanan na ito ng action star ay napakaganda.

Image Credit via Google

Halos napipinturahan rin ng puting kulay ang kabuuan ng bahay, mula sa ceilings, wallas, doors at mga cabinets. Mayroon ding makikita na built-in caban sa may labas ng bahay na kung saan ay maari dito magdinner ang may-ari nito.

Image Credit via Google

Nakakalula rin ang laki ng swimming pool sa tahanan na ito ni Jackie Chan, at ang isa pang nakakabilib rito ay ang pagkakaroon nito ng spa at mala-waterfall nail design.




May sarili ring Gym ang tahanan na ito ng actor, kung saan ay kumpleto ito ng mga gym equipments at dito nga nagbababad si Jackie ng kanyang oras upang mapanatiling fit ang kanyang katawan.

Image Credit via Google

Ang malamansyong bahay na ito ng aktor, ay payunay lamang na kapag pinagtrabahuan mo talaga ang isang bagay na iyong pinapangarap ay hindi imposible na makamit mo ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *