Silipin Ang 90’s Child Star Na Si Serena Dalrymple Heto Na Ang Buhay Niya Ngayon

Ilang mga child star na rin noon na nagbibigay aliw at kasiyahan sa atin, ang hindi na natin nasisilayan sa ating mga telebisyon ngayon. Isa na dito ang child actress na si Serena Dalrymple, na talaga namang isa sa mga batang aktres noong 90’s na nagbigay aliw at kakulitan sa mga proyektong kanyang ginawa.




Sino nga ba naman ang makakalimot sa batang aktres na ito? Sa dami ng kanyang mga nakakatawang karakter sa kanyang mga proyekto, ay talaga namang hanggang ngayon ay may ilan pa rin na hinahanap-hanap siya sa telebisyon.

Image Credit via Google

Si Serena Gail Dalrymple, ay isang Filipina-American, na ipinanganak noong September 7, 1990. Iniwan niya ang kanyang carer dito sa Pilipinas bilang isang child actress noong siya ay 14-taong gulang upang tapusin ang kanyang pag-aaral sa De La Salle College of St. Benilde, kung saan siya ay nagtapos ng kursong Export Management.

Image Credit via Google

Nakilala bilang child star princess noong taong 1997 ang batang aktres na si Serena Gail Dalrymple. Isa din siya sa mga batang aktres na nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng TV Commercial ng “Jollibee”, kung saan ay mas lalo pa siyang nakilala at sumikat dahil sa linya sa commercial na “Isa pa – isa pa, isa pang Chicken Joy”.

Image Credit via Google

Dahil sa kanyang taglay na galing sa pag-arte,ay maraming mga proyekto at pelikula ang kinabibilangan ni Serena, kaya naman talaga maituturing siya na isa sa mga biggest child star noong kanyang kapanahunan.

Image Credit via Google

Ngunit kahit pa nga ba, bumabaha ang proyekto niya at nagniningning ang bituin niya bilang isang child actress sa local showbiz industry, ay nagpasya si Serena na mag-pokus muna sa kanyang pag-aaral, hanggang sa naninirahan na nga ang aktres sa ibang bansa.

Kahit pa nga ba, wala na siya sa industriya ng ating kinasanayan noon kung saan natin siya nakikita, ay masisilayan pa rin naman natin ang ilang detalye sa buhay ni Serena Dalrymple ngayon sa kanyang Instagram account.

Dito ay makikita natin ang isang Serena Dalrymple na may sapat na gulang na, at maayos ang pamumuhay at career sa United States of America (USA), kung saan siya naninirahan ngayon.




Ngayon nga, ay may isang larawan na ibinahagi ang dating child star sa kanyang IG account, kung saan ay makikita natin ang kanyang buhay pag-ibig dahil sa larawang ito ay kasama niya ang kanyang boyfriend, na kung saan ay magtinginan silang dalawa.

“When boyfriend serenades you and his mom thought it was too cute. #momentcaptured,” saad ni Serena bilang caption ng larawan. Makikita na natin ngayon, na maayos at masaya ang buhay ni Serena Dalrymple kahit pa ng iba wala na siya sa industriya ng kanyang kinabibilangan noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *