Silipin Ang Bagong Pinapatayong Beach House Ng Sikat Na Comedian Na Si Pokwang Sa Bataan

Lubos ang kasiyahan ngayon ng actress-comedienne na si Pokwang, dahil sa muli ay mayroon na namang magiging bunga ang kanyang mga pagsisikap at pagtitiyaga, at ito nga ay ang panibagong properties na kanyang isinagawa.




Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang isang larawan na nagpapakita ng bagay na gusto niyang itayo sa lupang kanyang nabili. At makikita nga sa nasabing larawan, na isa itong beach house.
Caption nga ni Pokwang sa kanyang post;

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

“[praying hand emoji] red heart emoji] soon…. Claim it! #powerofprayer #powerofpositivity @camayacoast_ph tumatanggap po ako ng raket haaaa wohoooo pang dagdag sa bubong at alulod.”

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Sa ngayon ay kasalukuyan ngang on-going ang construction ng pinapagawang beach house ni Pokwang sa napili niyang lupa. At biro nga ng actress-comedienne, ay baka may mga raket kayo na pwede niyang pasukin, pandagdag budget lamang pang pagawa ng bubong.

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Ikinatuwa naman ng maraming mga netizens at taga-suporta ni Pokwang ang bagong achievement na ito ng komedyante.

Sa kabila nga ng patuloy pa rin ang pag-construct sa bahay na pinapagawa ni Pokwang, ay kitang-kita naman natin na malapit na nitong maisakatuparan ang kanyang pangarap na beach house.

Ayon sa ulat, matatagpuan ang beach house na ito ni Pokwang sa Camaya Coast sa Bataan. Matatandaan na noong taong 2019, ng unang ibahagi ni Pokwang sa kanyang social media account ang tungkol sa kanyang itinayong beach house, kung saan ayon sa komedyante ay malapit na nga niya itong pag umpisahan ipagawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

“Thank you, God. Finally, after 10 years mapapatunayan na kita yehey, E yung kita ba dagat? Hahaha salamat po papa G God”, ang naging saad nga noon ni Pokwang sa kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Isang video rin ang ibinahagi noon ni Pokwang, kung saan naman makikita na nakatayo siya sa tabi nu Lee O’Brian, ang kanyang partner sa buhay ngayon. Makikita rin sa nasabing video na may hawak na signage si Pokwang na ipinapakita naman na dalawang lote ang nabili nito.




Tunay ngang kahanga-hanga si Pokwang, dahil sa kanyang naging kasipagan at pagtitiyaga, samahan pa ng kanyang pagiging isang mananampalataya ay napakarami ng mga pangarap niya sa buhay ang kanyang isinakatuparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *