Silipin Ang Bahay Ng Aktres Na Si Kris Bernal Sa Los Angeles California

Masayang ibinahagi ng aktres na si Kris Bernal, na isa na naman sa kanyang mga pangarap sa buhay ang kanyang natupad, at ito nga ay ang magkaroon ng sarili niyang tahanan sa ibang bansa.



Sa kanyang YouTube channel na “SheisKrisB” ay buong pagmamalaki at tuwa na ipinakita ng aktres ang kanyang bahay sa Los Angeles, California na kanyang nabili pa noong taong 2018, kung saan ayon sa dalaga ito ay may pagka-modern minimalist na bahay.
Image Credit via YouTube
“The long wait is over! Request granted for you, mga SHE-zums! This is another house tour but this time, our house in Los Angeles, California! Let me tour you from the gate, to the clubhouse.
Image Credit via YouTube
to the house! It’s not as bongga as other celebrity houses! Pero dugo, pawis, at kaluluwa naman ang binuhos namin para dito!” ang naging saad nga ni Kris bago ipakita ang kanyang tahanan sa Los Angeles.
Image Credit via YouTube
Sa vlog niya ring ito ay ipinakilala ng aktres ang kanyang kapatid na isang registered nurse sa Amerika, kung saan ay doon rin umano ito naninirahan.
Image Credit via YouTube
Makikita nga sa bahay ng aktres sa L.A, California na ito ay isang simpleng bahay, ngunit may kalakihan rin dahil sa pagkakaroon nito ng limang kwarto at malapad na backyard kung sana ay mayroon din itong swimming pool.
Image Credit via YouTube
Ang living area sa bahay na ito ni Kris, ay masasabing kumporatable dahil sa mga disenyo at kagamitan na makikita rito.
Image Credit via YouTube
Ipinakita rin ng aktres ang ilan sa kanyang mga koleksyon ng mga mamahaling mga bags at mga sapatos, na talaga namang nakamamangha dahil sa sobrang dami ng mga ito. Ilan nga sa mga ito ay may brand na Chanel, Louis Vuitton at Gucci.
Image Credit via YouTube
Ayon naman sa aktres, pag ikaw ay naninirahan sa Amerika, ay talaga namang dapat ay taglay moa ng kasipagan, dahil wala kang aasahan dito kung hindi ang sarili mo lang.
“Ikaw ang gagawa ng lahat ng bagay, kagaya ng pagluluto, pag-go grocery, paglalaba at iba pa.”
Image Credit via YouTube
Masaya naman ang aktres, dahil napagbigyan niya ang request ng kanyang mga tagahanga na masilip ng mga ito ang tahanan niya sa Amerika.



Sa katunayan ay marami talaga ang nag-abang at nanood ng vlog na ito ni Kris Bernal, kung saan ay umabot na ang viewers nito sa 1 milyon mahigit.
Video Credit: kris bernal/YouTube
https://www.youtube.com/watch?time_continue=1149&v=oB3XCSj8DkM
Matatandaan na si Kris Bernal ay unang nakilala ng publiko ng siya ay sumali sa Starstuck noong taong 2016, at matapos nga ito ay nagtuloy-tuloy na ang magandang takbo ng karera niya bilang isang aktres sa GMA -7 network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *