Silipin Ang Bongga At Umuunlad Na Opisina Ni Ivana Alawi

Kilala ng marami si Ivana Alawi bilang isang aktres at vlogger na may milyong-milyong mga followers at subscribers. Siya ay hinangaan hindi lamang dahil sa kanyang taglay na kaseksihan at kagandahan, kundi dahil na rin sa kabutihan ng kanyang kalooban.




Ngunit hindi lamang nga ang mga ito ang nakakabilib kay Ivana, dahil kabibiliban din ang kanyang determinasyon sa pagtupad ng mga pangarap niya sa buhay kagaya na lamang ng pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang negosyo. Maliban nga sa kanyang pagiging aktres at vlogger, ngayon ay isa na ring CEO ng sarili niyang negosyo si Ivana, at ito nga ay ang ‘Ivana Skin.’

IMage Credit via YouTube

Ayon kay Ivana, bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa mga beauty products, at isa nga sa kanyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili niyang negosyo na skin care, kaya naman sa kabila ng pagkakaroon niya ng magandang karera bilang isang mahusay na aktres at sikat na vlogger ay binigyan pa rin nga niya ng katuparan ang kanyang pangarap na ito. Ngayon nga ay mayroon ng ‘Ivana Skin’ na negosyo si Ivana kaya naman talagang labis ang kanyang kasiyahan.

IMage Credit via YouTube

“Noong bata pa ako sobrang hilig ko talaga sa skin care at nung bata ako, hiyang hiya ako sa skin ko. Hindi ako makapag-sleeveless nahihiya talaga ako, wala akong confidence sa sarili ko at natuto akong alagaan ang sarili ko”, ani Ivana.

IMage Credit via YouTube

Matapos nga ang halos tatlong taon na sumubok sa pagbuo ng skin care formula, kamakailan nga lamang ay proud ng ibinahagi ni Ivana ang produkto ng kanyang skin care business. Ayon pa nga sa aktres, ang kanyang mga kaibigan at kapamilya ang unang sumubok sa kanyang proudukto at ito nga ay nagkaroon ng magandang resulta sa mga balat ng mga ito.

IMage Credit via YouTube

Maliban pa sa pag-promote ng kanyang bagong negosyo, ay ipinasilip din ni Ivana sa kanyang vlog ang sariling headquarters ng Ivana Skin, na siya rin ngang nagsisilbing opisina ni Ivana at ng kanyang mga empleyado.

Video Credit YouTube

Sa bagong vlog nga na ini-upload ni Ivana sa kanyang YouTube channel ay makikita kung gaano ka-elegante ang office headquarters ng negosyo niyang Ivana Skin. Dahil sa napakagandang vibes nito ay nagmistula nga itong Paris, France. Ang makikita ngang kulay sa loob nito ay pinagsamang Turquoise, gold, white, kung saan ang turquoise ay ang birthstone ni Ivana.




Tunay ngang napakaganda ng opisina na ito ni Ivana, makikita pa nga na mayroon itong pantry area, powder room, washing area, coffee corner at storage room. Ang huli ngang ipinasilip ni Ivana ay ang kanyang executive office na mayroong napakagandang chandelier at mga nagagandahan niyang mga larawan.

Todo naman ang ipinapakitang suporta ng pamilya ni Ivana sa kanya sa lahat ng bagay, kaya naman maging sa pagtupad nga ng actress-vlogger sa pagkakaroon ng sarili niyang skin care line ay nasa likod niya pa rin ang kanyang pamilya ay suportado siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.