Silipin Ang Bonggang Bongga At Napakagandang Bahay Ng Komedyanteng Si Vice Ganda

Marahil marami sa atin ang nakabasa o nakarinig na ng mga kuwento tungkol sa tagumpay ng isang tao. Nakakatuwa na madami na tayong kilalang mga taong umahon mula sa abo ng kahirapan patungo sa rurok ng tagumpay. Ang dating barung-barong ngayon ay mansiyon na, at ang dating bisikleta ngayon ay kotse na.

Photo Credit: Vice Ganda/Google




Ito ang istorya ng tagumpay ng komedyanteng si Vice Ganda. Sa kaniyang angking galing, nagawa niyang sumikat at makuha ang pulso ng madlang pipol. Dahil dito, nagbukas ang maraming pintuan para sa kaniya. Mula nang maging resident hurado siya sa It’s Showtime, hindi na mapigilan ang pag-usbong ng karera ni Vice Ganda at pinasok na niya ang pelikula, at ang pag-awit.

Photo Credit: Vice Ganda/Google

Dahil sa yaman niya, nakapundar siya ng isang bahay sa Quezon City. Bagamat sarili niyang bahay ito, sinabi ni Vice na surpresa niya rin ito para sa kanyang inang si Rosario. 8 buwan ang ginugol bago matapos ang kanyang bahay na may tatlong palapag. 380 square meter ang kabuuang sukat ng bahay ni Vice na dinisenyuhan naman ni Avelle Francisco.

 

Photo Credit: Vice Ganda/Google

Punong-puno rin ng mga salamin ang kanyang bahay at isa sa mga highlights ng kanyang bahay ay ang kaniyang hagdan na gawa sa salamin. Maliban pa rito, gawa rin sa salamin ang kaniyang veranda. Ang mga gamit naman sa bahay ni Vice ay pawang mga custom-made at napaka mamahalin. Karamihan dito ay nagmula pa sa ibang bansa. Puspusan rin ang pagpaplano ni Avelle Francisco sa hardin ni Vice para umayon ito sa kabuuang disenyo ng kanilang bahay.

Photo Credit: Vice Ganda/Google
Photo Credit: Vice Ganda/Google

Talagang hindi na mapipigilan ang pag-unlad ni Vice Ganda. Pero matatandaan na nagsimula lang din si Vice sa payak na pamumuhay bago makilala bilang isang mahusay na komedyante. Nagbigay rin ang kanyang kasikatan para makatulong siya sa kanyang mga kapatid, at mga kamag-anak na nangangailangan. Nakapagbigay rin siya ng trabaho sa iba pang mga komedyante na katulad niya.

Photo Credit: Vice Ganda/Google




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *