Silipin Ang Buhay Ng Dating Aktor Na Si Diether Ocampo Na Isa Ng Haciendero

Isa sa mga sikat at pinaka-poging aktor noong early 90’s hanggang 2000 ay si Diether Ocampo o Diet. Siya ay itinuturing na isa sa mga heartthrob ng kanyang kapanahunan, dahil sa talaga namang hindi lang ito basta gwapo, dahil mayroon din itong magandang tikas ng pangangatawan.



Maliban nga sa pagiging isang heartthrob ay isa rin si Diether sa magaling na aktor na industriya ng showbiz noon. Mapa-acting, drama, comedy, o horror man ay talaga namang pasok ang husay ng dating aktor.
Photo Credit: diether.awb/Instagram
Matatandaan na ilan sa mga aktres na na katambal ni Diether noon ay sina Claudine Barretto, at si Kristine Hermosa na naging dati rin nitong karelasyon.
Photo Credit: diether.awb/Instagram
Ngunit ilang taon na nga rin na hindi na natin nasilayan ang gwapong mukha ni Diether Ocampo sa telebisyon, kaya naman tanong ng marami, nasaan na nga ba ito? At ano na ang pinagkakaabalahan nito? May asawa at anak na ba ito?
Photo Credit: diether.awb/Instagram
Makikita sa ilang mga post ng dating aktor sa kanyang social media account, na madalas itong nakasakay sa kabayo o di kaya naman ay nagpapakain ng mga kabayo.
Kaya naman ilang mga netizens ang napapa-isip kung nagmamay-ari na ba ngayon si Diether ng maraming mga kabayo na makikita sa North Polo Club, Pulilan Bulacan.
Photo Credit: diether.awb/Instagram
Meron namang isang followers ang aktor na ang komento sa isang larawan nito, kung saan siya ay abala sa pagpapakain ng kabayo, kung saan ay pinupuri nito ang dating aktor dahil sa umano’y napaka’hands-on nito pagdating sa pag-aalaga ng kanyang kabayo.
Photo Credit: diether.awb/Instagram
Sa ilang mga post din ni Diet sa kanyang social media account ay makikita ang isa niyang video, kung saan ay may kalakip itong caption na “Buhay Pulilan Bulacan.”
Photo Credit: diether.awb/Instagram
Mayroon pa ngang isang post ang dating aktor, na kung saan siya ay nakasakay sa kotse at isa-isang binabati ang labing-walong mga kabayo na nakahelera sa kani-kanilang sariling kwadra. Makikita rin sa video ang iba pang kwaddra, na kung saan ay tinatayang 100 ang kabuuang mga bilang.
Makikita din sa video, na nadaanan ng dating aktor ang ilang mga mamamayan na naninirahan sa nasabing hacienda, at ito nga ay isa-isa niyang binabati, at pagkatapos nga nito ay naglibot pa ito.
Samantala, matatandaan na ng aktibo pa ang si Diether Ocampo sa showbiz ay minsan na noong sinabi , na isa sa kanyang mga pangarap sa buhay ay ang magkaroon ng malawak na lupain na kung saan ay maaari siyang mag-alaga ng maraming mga hayop.
At kung tunay nga na sa dating aktor, ang mga nakikita natin sa kanyang social media account, ay masasabi nga natin na natupad na nito ang kanyang pangarap.
Ilan pa nga sa mga larawan ng dating aktor sa kanyang social media account ay ang kanyang larawan kung saan kuha habang nagpapalipad siya ng eroplano. Ibig ba nitong sabihin ay isa na rin siyang lisensyadong piloto ngayon?
Tila ang mga makikita nga natin ngayon sa social media account ng dating aktor, ay ilan lamang sa kanyang pinagkakaabalahan sa kanyang buhay ngayon kaya siya’y hindi na bumalik pa sa pagiging isang aktor sa telebisyon.



Mapapansin naman, na sa mga larawan ni Diether, ay wala siyang kasamang babae o karelasyon? Ibig bag sabihin nito ay single pa rin ang dating aktor? O baka naman hindi lang niya ito isinasapubliko upang maging pribado ang buhay ng relasyon nito ngayon. Ano sa tingin niyo?

 

View this post on Instagram

 

North Polo Club

A post shared by DietherOcampo (@diether.awb) on

Matatandaan naman na isa sa mga mga naging katambal ni Diether Ocampo noon, ay ang aktres na si Kristine Hermosa, kung saan ay naging karelasyon at asawa niya rin ito. Taong 2014 ng ikasal sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa, ngunit makalipas ang dalawang taon nilang pagsasama ay nauwi rin ito sa hiwalayan.
Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *