Silipin Ang Buhay Ng Dating Aktres Na Si Monina Bagatsing Ang Kapatid Nina RK At Raymond Bagatsing

Isa sa mga aktres na namayagpag ang karera noong taong 90’s sa industriya ng showbiz ay ay si Monina Bagatsing.




Kung inyo pang natatandaan, si Monina Bagatsing ay isa sa mga naging cast sa pelikulang “Hey Babe” , at serye na “Pangako Sayo”. Isa din siya sa mga aktre na maituturing na sa kabila ng kasikatang tinatamasa, ay mas pinili ang iwanan ang kasikatan at mamuhay na lamang simple, pribado at malayo sa mga intriga.

Image Credit via Google

Kilala rin si Monina bilang kapatid ng dalawang gwapong aktor ngayon sa showbiz, at ito ay sina RK at Raymond Bagatsing.

Image Credit via Google

Sa kabila nga ng kasikatan na naumpisahan noon ni Monina sa industriya, ay tila naglaho na lamang ito hanggang sa hindi na siya nasilayan pa ng kanyang mga tagahanga sa telebisyon.

Image Credit via Google

Matapos nga ang ilang taon, ay muling nasilayan si Monina sa telebisyon na ikinatuwa naman ng kanyang mga tagahanga noon. Nangyari ito ng minsang maging panauhin ang dating aktres sa morning talk show na “Magandang Buhay”, kung saan ay nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang kapatid na si RK, sa pagdiriwang ng kaarawan nito.

Image Credit via Google

Samantala, sa isang Youtube video naman ay makikita ang mga larawan ni Monina kung anong buhay ang mayroon siya ngayon sa kabila ng pagkawala niya sa industriyang kinabibilangan niya noon.

Image Credit via Google

Matatandaan naman na naging role noon ni Monina, ang pagiging prominent antagonist o kontrabida sa karakter na ginampanan ng aktres na si Angelica Panganiban sa proyekto nitong “Magandang Hatinggabi”.

Ilan nga ring mga proyekto, serye at pelikula nga ang nagawa noong 90’s ni Monina Bagatsing, kaya naman talagang maituturing siya noon sa mga artistang nagsisimula na ang magandang career.

Video Credit: Magandangbuhay/YouTube

Sa ngayon ay makikita nga sa mga larawan ni Monina na lumabas sa isang uploaded video sa Youtube, na masaya ang dating aktres sa buhay niya ngayon malayo sa showbiz. Naninirahan na rin umano sa San Francisco, California ang dating aktres.




Hindi man nga, alam ng marami sa atin kung anong career ang tinatahak ni Monina ngayon, ay masaya naman ang kanyang mga tagahanga na muli siyang masilayan sa telebisyon at malaman na maayos ang buhay niya sa kabila ng pagtalikod niya sa kasikatan sa showbiz na inumpisahan niya noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *