Silipin Ang Buhay Ngayon Ng Dating Actress Na Si Maybeline Dela Cruz Matapos Iwan Ang Showbiz

Natatandaan nyo pa ba si Maybeline Dela Cruz? Ang batang gumanap na anak ni Nova Villa noon sa sitcom na Home Along Da Riles?



Taong 1992 ng magsimula bilang isang child star sa industriya ng showbiz ang 35-taong gulang na dating aktres na si Maybeline Dela Cruz, ito ay ng kabilang siya sa sitcom sa telebisyon noon na “Home Along Da Riles” kung saan ay gumanap siya dito bilang anak ni Nova Villa. Kasunod nga nito ay ilan pang mga proyekto at pelikula sa telebisyon ang kinabibilangan ng aktres.
Image Credit via Google
Naging bahagi rin si Maybelline ng maraming mga Kapuso serye tulad ng “Tinik sa Dibdib” noong 2009, “Maaari Ka Bang Mahalin?” noong 2009 at “Anna Karenina” noong 2013.
Image Credit via Google
Ilang taon na nga rin natin hindi nasisilayan si Maybeline Dela Cruz sa telebisyon, ito ay dahil sa ngayon ang dating child star actress ay mas piniling mamuhay ng malayo sa showbiz kasama ang kanyang buong pamilya.
Image Credit via Google
Nagpakasal kay Dagupan City councilor Michael Fernandez, ang 35-taong gulang na aktres noong 2008. Nagkakilala um ano ang dalawa sa National Assembly of the Philippines Councilors League (PCL), taong 2005 kung saan ay naging host si Maybelline.
Image Credit via Google
Bilang mag-asawa ay paboritong gawin nina Maybeline at Michael ang mag-travel , at marami na nga silang mga iba’t-ibang bansang napuntahan.
Image Credit via Google
Dahil sa pagkakaroon ng isang asawang councilor, ay nagkaroon din si Maybelline ng nais na magbigay serbisyo sa ating mga kababayan. Kaya naman hindi nagtagal ay sumunod ito sa yapak ng kanyang asawa, at tumakbo bilang isang city councilor ng Dagupan City, kung saan noong halalan ng taong 2013 ay nakakuha siya ng mataas na bilang ng mga boto.
Image Credit via Google
Noon ngang isang taon lamang ay natapos na ni Maybelline ang kanyang termino, sa pagiging konsehal niya ng lungsod at ang pumalit sa kanya ay ang asawa niya na nanalo naman ng isang pwesto ng lamang nakaraang halalan.
Hindi nga lamang isang tagapag lingkod sa publiko ang kina-aabalahan ni Maybeline noon, dahil maliban dito ay isa rin siyang Red Cross Volunteer.
Ilang taon rin ngang nag-antay si Maybeline at ang asawa nito na biyayaan sila ng anak, at matapos nga ang ilang taon nilang pag-aantay ay natupad ito. Taong 2016, ng mabuntis si Maybelline sa tulong ng in-vitro, isang paraan ng pagbuo ng sanggol na ginawa sa Lee Women’s Hospital sa Taichung, Taiwan.



February 14, 2017 ng isilang ni Maybeline ang kanilang anak na si Mia Olivia Fernandez, isa sa pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya at itinuturing nilang prinsesa.
Kahit wala na nga sa industriya ng showbiz si Maybeline Dela Cruz, ay masaya naman ito sa buhay niya kapiling ang kanyang asawa ng mahigit sampung taon, at ang kanilang anak na talaga namang isa sa mga kaligayahan nilang mag-asawa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *