Silipin Ang Buhay Ngayon Ng Dating Child Star Aktor Na Si Joshua Dionisio

Si Joshua Dionisio ay isa sa mga pinaka-popular na child star ng kanyang henerasyon. Nagsimula ang kanyang showbiz career ng siya ay 8-taong gulang pa lamang. Siya ay na-discover ng Viva Films aat ABS-CBN ng lumabas siya sa isang TV commercial.



Ang kanyang pagiging charming at cute child star ang talagang tumatak sa maraming mga manonood lalo na nga ng maging parte siya noon ng kid-oriented series na “Super Inggo”.
Ilang mga proyekto rin ang nagawa ni Joshua sa telebisyon, ngunit ang talagang nagpakilala sa kanya sa publiko ay ng maging parte siya ng “Super Inggo” kung saan ay gumanap siya bilang isa sa mga matalik na kaibigan ng bida ng serye na si Makisig Morales.
Maliban nga sa Super Inggo, ay marami ring mga pelikula at serye ng Kapamilya network ang kinabibilangan ni Joshua. Isa na nga sa mga ito ay ng maging parte siya ng seryeng “Maria Flordeluna”, at gumanap bilang taong nagmamahal kay Maria.
Naging lead cast din siya ng “Kung Fu Kids” series, kung saan ay kabilang siya sa mga bidang bata na may mga superpowers.
Bumida rin siya sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya”, na pinamagatang “Sako”, kung saan dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte sa nasabing episode ay nagwagi siya ng isang parangal mula sa PMPC Award noong 2008.
Samantala, matapos ang ilang taong pagiging artista sa ilalim ng pamunuan ng ABS-CBN, taong 2009 ng magdesisyon si Joshua na lumipat sa rival network na GMA-7.
Paglipat pa lamang sa kabilang network ay agad na sumalang si Joshua sa kanyang unang proyekto room at ito nga ay ang “Pilyang Kerubin” at maging sa Philippine adaptation of KDrama series na “Stairway to Heaven” ay kabilang din si Joshua.
Isa nga sa mga naging katambal ni Joshua sa mga proyektong kanyang ginawa sa GMA-7 ay ang aktres na si Barbie Forteza. Una siyang nag tambal ni Barbie sa “Tween Hearts”, isang teens oriented show na mapapanood noon sa GMA-7.
Taong 2013 naman ng muling bumalik sa ABS-CBN network si Joshua, ngunit paglipas ng tatlong taon ay lumipat muli ito sa GMA-7.



Sa ngayon ay masaya si Joshua sa kanyang buhay pag-ibig, kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend. Taong 2018 ng magsimulang mag date ang dalawa, at ngayon nga ay kitang kita sa mga larawan nilang dalawa na ibinahagi ni Joshua sa kanyang Instagram kung gaano sila kasaya at kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
Kamakailan nga lamang, ay muling lumabas sa telebisyon si Joshua ng mag-guest siya sa “Bawal Judgemental” ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” ng GMA-7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *