Silipin Ang Buhay Ngayon Ng Dating Child Wonder Na Si Atong Redillas

Marami nga sa mga child star noon ang hindi na natin nasisilayan ngayon sa ating mga telebisyon. Ilan sa kanila ay pinili ang tumigil sa karera niya bilang isang artista, upang tapusin ang kanilang pag-aaral at ang iba naman ay mas nais na tahakin ang ibang landas at karera para sa kanilang mga buhay.



Isa na nga sa mga child star na ito at tinaguriang child wonder noon ay si Atong Redillas.
Matatandaan na taong 90’s ng maging isa sa mga popular na child star noon si Atong , at marami nga sa mga batang 90’s ng natatandaan pa rin ang kanyang talento at kabibohan sa mga pelikula na kanyang nagawa.
Image Credit via Google
Mahigit sa 40 – pelikula nga ang kinabibilangan ni Atong Redillas mulang taong 80’s at 90’s, at isa na nga dito ay ang Darna ng 1991 kung saan siya ang naging sidekick ng gumanap na Darna noon na si Nanette Medved.
Image Credit via Google
Naging bahagi rin siya ng iconic sitcom noon na John en Marsha, kung saan ay gumanap naman siya bilang bunsong anak ng mga karakter nina Dolphy at Nida Blanca.
Image Credit via Google
Ipinareha rin siya noon kay Aiza Seguerra, at naging kapareha rin siya ni Camille Prats sa grand finals ng “Little Miss Philippines.”
Image Credit via Google
Ngunit kahit pa nga ba, namamayagpag ang kanyang karera noon sa industriya ng showbiz ay mas pinili pa rin ni Atong Redillas na tahakin ang ibang karera. Nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral, at nagtapos ng BA Arts Studies bilang isang Cum Laude sa University of the Philippines.
Image Credit via Google
Kung atin ring natatandaan noon, ng tanungin si Atong ni Mel Tiangco sa kung ano ang kanyang hinahangad sa kanyang buhay, ay sinagot niya ito na nais niyang maging Presidente ng Pilipinas.
Kung titingnan nga ang galing na tinataglay ngayon ni Atong Redillas, ay hindi imposible na nagawa niya ang bagay na hinahangad niya noong kanyang kabataan.
Samantala, matapos naman makamit ni Atong Ang kanyang pangarap na maging isang guro, ngayon ay isa na nga itong propesor na nagtuturo sa University of the Philippines at Far Eastern University.



Maliban pa nga sa pagiging isang propesor, ay nagsu-supervise at direct din si Atong ng mga theater play production.
Makikita rin sa kanyang facebook post, na paminsan-minsan ay ginagawa pa rin ito ng mga stand-up comedy. Ano ang masasabi niyo sa karera na tinatahak ngayon ni Atong Redillas?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *