Silipin Ang Buhay Ngayon Ng Dating Hinahangaang Aktor Na Si Rainier Castillo Matapos Nito Iwanan Ang Career Sa Showbiz

Ngayong panahon, ay masasabi natin na malaki ang naitutulong ng social media sa ating pang-araw araw na buhay kung ito ay gagamitin nga natin sa maayos na paraan.




Ang iba ang ginagamit ang social media upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan, at ang iba naman ay ginagamit ito upang maghatid ng maganda at makabuluhang balita para sa lahat.

Photo Credit: itsrainiercastillo/Instagram

Sa tulong rin ng social media ay muli nating nakikita at nasusubaybayan ang mga datin artista na pinili ng iwanan ang mundo ng showbiz, at mamuhay ng pribadong buhay. Ang iba nga sa kanila ay masaya at tahimik ang buhay, at mayroon ng sarili nilang pamilya.

Photo Credit: itsrainiercastillo/Instagram

Katulad na nga lamang ng dating artista at naging top-4 nga noon ng ‘StarStruck’ na si Rainier Castillo.

Photo Credit: itsrainiercastillo/Instagram

Marahil ay marami sa atin ang hanggang ngayon ay kilala pa ang aktor at naaalala pa ang kanyang angking husay sa pag-arte at taglay na kagwapuhan, dahil ang kanyang mga nakasanayan noon ay ang mga sikat at popular na artista pa rin ngayon na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Yasmien Kurdi.

Photo Credit: itsrainiercastillo/Instagram

Siya rin ang naging katambal noon ni Yasmien sa ilang mga proyekto.
Halos 7-taon ring naging parte ng industriya ng showbusiness si Rainier, at sa mga taon ngang ito ay napatunayan at ipinakita niya sa lahat ang kanyang talento sa pag-arte.

Photo Credit: itsrainiercastillo/Instagram

Ilan nga sa mga proyekto sa telebisyon na matatandaang kinabilangan ni Rainier ay ang Mulawin, Bakekang, Majika at marami pa ngang iba. Minsan na ring lumipat ng ibang istasyon ng aktor, ngunit hindi nagtagal ay nagdesisyon na nga ito na magpahinga muna sa showbiz.

Photo Credit: itsrainiercastillo/Instagram

At makalipas ng ang ilang taon na wala tayong balita kay Rainier, ay marami na pala ang nangyari sa buhay nito.

Photo Credit: itsrainiercastillo/Instagram

Nang magdesisyon siya lisanin ang mundo ng showbiz, ay nagtayo ang aktor ng kanyang negosyo sa lungsod ng Quezon City, na kanya ngang tinawag na Muscle Up Parkour Gym at Urban Training Ground.

Maliban pa sa pagkakaroon ng sarili niyang negosyo, ay ikinagulat ng marami niyang mga tagahanga ang balita na siya ay mayroon ng asawa, at dalawa na nga ang kanilang anak.

Ibinahagi ng dating aktor ang bagong mga karanasan niya sa kanyang buhay ngayon, kagaya na nga lamang ng kanyang pagiging isa ng magulang, kung saan ay kanyang sinabi na sa kabila ng mahirap ang responsibilidad ng pagiging magulang ay maituturing naman niya itong isang napakasayang karanasan niya sa kanyang buhay.




Tanong naman ng maraming mga netizens, lalo na ang mga tagahanga ng aktor, kung kailan binalak ni Rainier na bumalik sa showbiz, ngunit tanging sagot lamang niya ay hindi pa niya alam kung kailan siya babalik sa mundo ng telebisyon.

Sa ngayon nga ay mga guesting lamang ang tinatanggap ni Rainier. At kahit nga matagal ng wala sa industriya, ay mayroon pa ring komunikasyon si Rainier sa kanyang mga kaibigan sa industriya, tulad nina Mark Herras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *