Silipin Ang Buhay Ngayon Ng Dating Sikat Na Miyembro Ng Viva Hotbabes Na Si Katya Santos

Hindi maikakaila na likas na sa ating mga Pinoy ang pagkahilig sa panonood ng mga pelikula. At magmula ng dekada 90 hanggang 2000, ay nasaksihan natin ang mga pelikulang talagang hinangaan at sinubaybayan ng masa.




Isa nga sa talagang kinasasabikang pelikula noon ay ang mga pelikula na pinagbibidahan ng mga naggagandahan at nagseseksihang mga dilag kung saan ay makikita ang kanilang magagandang hubog ng katawan at makinis na kutis.

Photo Credit: simplykatya/Instagram

Ang grupo nga na kilala sa bansag na Viva Hot Babes, na kinabibilangan ng mga sexy at magagandang modelo at artista ang isa sa inabangan ng masa. Kabilang sa grupong ito ang sexy star na si Katya Santos, kung saan ay talagang may napakagandang mukha at napakasexy ring katawan.

Photo Credit: simplykatya/Instagram

Taong 2003 ng lakas-loob na pasukin ni Katya ang mundo ng pagpapaseksi kung saan ay una siyang tahasang gumanap ng sexy role sa pelikulang “Sukdulan”. At dahil sa kanyang husay sa pag-arte, ay nasundan pa ang kanyang pelikula ng kung saan ay talagang ipinakita ni Katya ang angking kaseksihan.

Photo Credit: simplykatya/Instagram

Dahil dito, ay isa siya sa itinuturing na pantasya ng bayan, na kinababaliwan ng mga kalalakihan at kilala sa bansag na “Materyales Fuentes”. Naging cover din ng men’s magazine si Katya, na talaga namang halos wala ng maitago sa kanyang katawan at tanging kaseksihan na lamang ang masisilayan.

Photo Credit: simplykatya/Instagram

Ngunit, hindi naman nagtagal ay unti-unti na ngang nagsara ang pinto ng pinilakang tabing para sa sexy star, kung kaya’t nagpasya na siyang tuluyang lisanin ang mundo ng showbiz upang mamuhay ng tahimik at pribado.

Photo Credit: simplykatya/Instagram

Matapos lisanin ang showbiz, ay natagpuan naman ni Katya ang taong nagbibigay saya at kulay sa buhay niya sa katauhan ni Anton Delos Reyes, isang coaching staff member sa Mapua’s collegiate basketball team.

Photo Credit: simplykatya/Instagram

At noong taong 2013 nga, ay ikinasal ang dalawa. Sa parehong taon naman ay agad na biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang napakagandang anak na pinangalanan nilang Tala.




Makikita naman sa Instagram ng dating sexy star ang simple ngunit masayang pamumuhay ng kanilang pamilya. Bukod nga sa kanyang trabaho, ay isa ring hands-on mommy si Katya sa kanyang unica hija.

Photo Credit: simplykatya/Instagram

Bagama’t abala na sa buhay, hindi naman nakakalimot si Katya sa magkaroon parin ng fit and healthy body sa pamamagitan ng pagwo-work out upang mapanatili ang magandang hubog ng katawan.

Photo Credit: simplykatya/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *