Silipin Ang Buhay Ngayon Ni Andrea Del Rosario Sa Batangas Na Tila Isang “Haciendera” Sa Malawak Na Lupain

Nito lamang nakaraan ay masayang ipinasyal ng aktres na si Andrea Del Rosario sa isang malawak na lupain sa Batangas ang mga manonood ng programang “Sarap Di Ba?” Ibinahagi din niya na ang naturang lupain ay pagmamay-ari ng kanyang nobyo na si Anthony.




Ipinagmamalaki namang ibinihagi ni Andrea na talaga namang napakalawak ng lupain ng kanyang nobyo, kung saan ito ay nasa 6-hektarya ang lawak na matatagpuan nga sa Calatagan, Batangas.

Photo Credit via Instagram

Lingid sa kaalaman ng marami sa atin, ay isang professional polo player ang nobyo ngayon ni Andrea na si Anthony. Ayon pa kay Andrea, kayang mag-accommodate ng maraming bisita ang naturang farm ng kanyang nobyo dahil sa ang main house na matatagpuan dito ay mayroong 7-bedrooms na pwedeng matulugan ng mga bisita.

Photo Credit via Instagram

Ibinahagi rin ng aktres na maging siya ay naaliw na rin sa buhay niya sa farm ng kanyang nobyo, at tila nga siya’y nakiki-hacienda na rin doon dahil natutunan na rin niyang mag-invest sa farm mula sa perang kanyang kinikita. Ilan nga umano sa mga hayop na makikita sa farm kagaya na lamang ng baka, kambing at manok ay investment niya sa farm.

Photo Credit via Instagram

“Nakiki-hacienda na rin ako. I own a few animals”, saad ni Andrea. Dagdag pa niya bumili din siya ng mga Boer Goat Coats sa ibang bansa. Chicka pa ng aktres, ang perang kanyang kinikita ay ibinibili niya ng mga livestock at animals, at hindi ng kung ano-anong mga mamahaling bags o sapatos.

Photo Credit via Instagram

“Kung ang ibang artista bumibili sila ng bags or shoes, ako po yan [baka] ang aking binili. So, everytime na may kinikita ako, napupunta sa livestocks o animals”, aniya pa.
Naibahagi din ng aktres na halos nasa 300 pirasong mga manok ang alaga nila sa farm ng kanyang nobyo.

Photo Credit via Instagram

Samantala, ipinasilip din ni Andrea ang ruweda sa naturang farm, kung saan ayon sa kanya sa naturang lugar nag-oonline class ang kanyang mga anak dahil doon lamang mayroong nahahagap na malakas na signal.




Makikita naman na talagang ine-enjoy ni Andrea ngayon at ng kanyang mga anak ang masaya at mas nakaka-relaks na buhay sa malawak na farm ng kanyang nobyo.
Si Andrea Del Rosario ay isa sa mga aktres sa showbiz na nakilala din bilang miyembro noon ng sikat na female-dance group na Viva Hot Babes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *