Silipin Ang Buhay Ni Angeli Gonzales Ang Child Star Noon Sa Home Along Da Riles Matapos Iwan Ang Mundo Ng Showbiz

Maraming sikat artista noong dekada 90 sa industriya ng showbiz ang hinangaan at tinangkilik ng publiko ngunit sa kabila ng kanilang kasikatan ay mas pinili pa rin nilang lisanin ang mundong kanilang kinabibilangan upang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay.




Isa na nga sa mga ito si Kaye Angeli Gonzales o mas kilala bilang si Angeli Gonzales na dating aktres sa Kapamilya Network. Unang nasilayan sa industriya ng showbiz si Angeli nang manalo siya bilang grand winner ng Munting Miss.U sa programang Magandang Tanghali Bayan.

Image Credit via Google

Bata pa lamang ay sumabak na sa pag-aartista si Angeli. At sa edad niya nga ang 7-taong gulang gumanap na siya bilang Kristine Hermosa sa pelikulang Trip.

Image Credit via Google

Dito ipinamalas ng aktres ang kanyang husay at galing sa pag-arte hanggang sa nakakuha na siya ng role sa isang comedy series na Home Along Da Riles kung saan kasama niya ang Comedy King na si Dolphy.

Image Credit via Google

Hindi maitatanggi na isa si Angeli sa mga mahuhusay na child star noong kapanahunan niya.Nahasa nga ng husto ng dating child star ang kanyang talento sa pag-arte, kaya naman nang siya ay magdalaga lalo pa siyang nakilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula.

Image Credit via Google

Naging bahagi siya ng Star Magic Circle simula sa taong 2000 hanggang sa taong 2006.
Bumuhos ang biyaya at mga proyekto sa dalaga tulad na lamang ng kanyang naging pagganap sa iba’t ibang Kapamilya Shows gaya ng Wansapanataym, Batang X: The Next Generation, at May Bukas Pa.

Image Credit via Google

Sa kanyang pagdadalaga naman ay mas marami ang humanga sa kanyang taglay na kagandahan lalo na sa kanyang napakagandang ngiti.

Image Credit via Google

At dinala nga siya ng taglay na karisma sa isang role sa sikat na Teen Comedy Series na LUV U, kung saan itinambal siya sa aktor na si CJ Navato. Nakasama rin niya sa series na ito sina Miles Ocampo, Kiray Celis, at Igi Boy Gonzales.

Image Credit via Google

Ngunit sa paglipas ng maraming taon, madalang na lamang makita ang aktres sa telebisyon at huling nga siyang nasilayan sa programa ng Maynila noong 2015 sa ilalim ng GMA Network.

Marami nga sa kanyang mga tagahanga ang nagtataka sa biglang pagkawala niya sa showbiz. Ang ilan nga ay hindi inakalang may mas malaking oportunidad pala na dumating sa dalaga.

Marami rin sa mga netizens ang nagulat nang malaman na ang dating child star noon ay nakapagtapos na ng kursong medikal. Nakapagtapos na rin si Angeli ng isa pang medical degree sa De La Salle Medical Health and Sciences Institute.

Ang tagumpay na tinatamasa ngayon ni Angeli ay iniaalay niya sa kanyang mga magulang dahil ang mga ito ang nagdala sa kanya at naging inspirasyon niya sa kung ano man ang katayuan niya ngayon sa buhay.

Hindi naman makikitaan ng anumang pagsisisi sa napili niyang landas ang dating aktres. Na kung saan ay mas pinili niya ang pag aaral kaysa ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista.




At ngayon nga, ay masaya na sa kanyang trabaho si Angel dahil dito ay tutulungan niya ang kanyang magulang, hindi lamang financially stable, kundi na babantayan rin niya ang kalusugan ng mga ito

“Kaya ako nag-doctor para sa mga pasyente ko. I wanted to become a doctor for my future patients. And I consider myself lucky because I am able to pursue a dream that may be key for other people to be able to pursue their own (I decided to become a doctor for my patients),” saad ni Angeli sa isang post na kanyang ibinahagi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *