Silipin Ang Buhay Ni Princess Punzalan Matapos Iwan Ang Showbiz

Naalala niyo pa si Princess Punzalan? ang isa sa pinakamahusay at pinaka-kilalang kontrabida sa mga teleserye noon. Sa kanyang mahusay na pag ganap bilang kontrabida, ay mas magiging maganda at makulay ang kwento ng seryeng na kanyang kinabibilangan.

Image Credit via Google




Ilan sa mga serye kung saan nakita ang husay niya sa pagiging kontrabida, ay ang ‘Mula sa Puso’ kung saan ay gumanap siya bilang si Selina. Naging kontrabida rin siya sa ‘Kung Mawawala Ka’ serye na kung saan ay siya si Ernestina Villamayor at marami pa ngang serye siyang naging proyekto kung saan ay isang kontrabida ang kanyang role.

Image Credit via Google

Ilang taon na ring hindi nasisilayan sa TV si Princess Punzalan, at marami sa kanyang mga tagahanga at netizens ang nagtaka at nagulat ng bigla niyang lisanin ang mundo ng showbiz.

Nabalita na lamang na nasa US na ang dating aktres, na kung saan siya naninirahan kasama ang kanyang American Husband. Sa US din ipinagpatuloy ng dating aktres ang kanyang matagal ng pangarap, ang maging isang nurse.

Image Credit via Google

Dahil sa totoong buhay ang si Princess Punzalan ay napakacaring na tao kaya siya ay nag-enroll ng nursing course at ngayon nga siya ay lisensyadong nurse na sa San Diego, California.

Ayon sa aktres, hindi naging madali ang buhay niya noong nagsisimula pa lamang siya sa US, ito ay malayong malayo sa kasikatan na meron siya dito sa Pilipinas. Naranasan niya umano ang magtrabaho sa isang restaurant kung saan siya ang kumukuha ng mga orders ng mga customers nito.

Image Credit via Google

Nagkaroon naman ng pagkakataon si Pops Fernandez, isa sa mga kaibigan ni Princess sa showbiz na interviewhin ang dating aktres na pinaunlakan naman nito.

Ayon sa naging pahayag ni Princess sa naging interview, maliban sa pagiging may-asawa ay mayroon na rin siyang anak, at lagi din siyang pagod at gabi na makatulog dahil sa kanyang trabaho. Pero kahit ganun pa man, masaya siya sa napili niyang propesyon at trabaho dahil ito talaga ay pangarap niya.

Hindi naman naiwan ni Pops na tanungin si Princess kung hindi ba nito namimiss ang showbiz. At ang naging sagot ng dating aktres ay, namimiss niya ang pag-arte, ang mga kaibigan niya sa industriya pero hindi niya namimiss ang katanyagan at kasikatan. Namimiss niya daw ang pag-arte sa harap ng camera.

Nagkaroon din ng pagkakataon na umarteng muli sa harap ng camera si Princess ng may isang small role siyang ginampanan sa teleserye ni Kim Chiu at Xian Lim na ‘The Story of Us’.

Ibinahagi din ng dating aktres na sa ngayon ay gumawa siya ng isang international movie, at kasama ang aktor na si Billy Hufsey ay nag-enroll sila sa acting workshop.




Masaya na nga sa kanyang simpleng pamumuhay sa US ang dating aktres, kung saan kasama ang kanyang pamilya at kung saan niya natupad ang kanyang pangarap na maging isang lisensyadong nurse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *