Silipin Ang Buhay Sa Probinsya Ng Mag-Asawang Melai Cantiveros At Jason Francisco

Malayong-malayo nga ang buhay sa probinsya kumpara sa buhay na mayroon sa syudad. Kapag naiisip natin ang buhay sa probinsya ay agad pumapasok sa ating isipan ang sariwang hangin, mga ilog at dagat kung saan masarap magtampisaw, mga tanawin at palayan na may mga luntiang pananim at mga alagang hayop na matatagpuan sa mga bukirin.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram




Dito rin ang mga pagkain ay sariwa na ang iba ay mula pa sa mga sariling pananim.
Talaga nga namang kung paghahambingin ay malayong malayo ito sa buhay na nararanasan ng ating mga kababayan na namumuhay sa syudad. Sapagkat sa syudad ay bihira na lang makakita ng mga luntiang pananim at halos wala ng malanghap na sariwang hangin ang mga mamamayan doon.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Kaya naman marami sa ating mga kababayan at mamamayan na naninirahan at naghahanap buhay sa siyudad ang kadalasan ay umuwi sa probinsya kasama ang buong pamilya sa tuwing nagkakaroon ng bakasyon upang makapag-unwind, makapag-relax at makalanghap ng sariwang hangin.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Kagaya na lamang ng pamilya ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco na umuwi sa probinsya nila sa Bohol kasama ang kanyang  dalawang anak na si Amelia Lucille at Stella Rosalinda Francisco upang magbakasyon.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Matapos nga ang mga busy schedules at proyekto ni Jason at Melai ay muli nilang binisita ang kanilang mga kapamilya sa probinsya upang makabonding ang mga ito. Nais din umano ng mag-asawa na maranasan ng kanilang mga anak ang simpleng buhay sa probinsya.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Sa isang video na ibinahagi ni Melai sa kanyang Youtube Channel ay makikita nga na masaya ang mga anak nila ni Jason sa pamahalaan nila sa probinsya. Ibinahagi din ng momshie host na karamihan sa kanilang mga kinakain doon ay mula sa sariling pananim ng kanilang pamilya.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Ipinakita rin sa video ang simpleng tahanan ni Melai sa probinsya na gawa sa kahoy at ang pakikipag bonding ng kanyang asawa na si Jason sa kanilang mga kamag-anak doon na kung saan ay nag-iinuman ang mga ito ng beer.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram




Isang masaya at simpleng pamilya ang makikita sa video na kung saan ay sama-samang pinagsaluhan ang inihain para sa kanilang tanghalian kabilang ang napakasarap n Lechon Baboy. Marami naman ang natuwa ant talagang humanga dahil sa ipinakita ng kasimplehan ng pamilya ni Melai at Jason sa kabila ng tinatamasa nilang mga biyaya sa kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *