Silipin Ang Bungalow House Ng Aktor Na Si Edu Manzano

Ang 63 year old aktor na si Edu Manzano, ay nakapag pundar ng bahay at lupa sa San Juan City, kung saan ayon sa aktor ay para sa kanya naranasan niya ang “buhay probinsya”.

Photo Credit: realedumanzano/Instagram

ONE-STORY HOUSE

Ang bahay ng aktor ay isang bungalow house, kung saan para sa kanya ito ay tamang tama lang dahil sa ganoong bahay ay nagkikita kita agad sila magpamilya at isang tawag lang niya noon sa kanyang mga anak ay nariyan na ang mga ito.

Photo Credit: realedumanzano/Instagram

Maliit lamang kung titignan sa labas ang bahay ng aktor kumpara sa ibang bahay ng mga artista, pero lahat ng kanyang mga anak ay mayroong kanya-kanyang silid ang mga ito. ‘Never naman sa buhay did I want a very,very big house,”.




Photo Credit: realedumanzano/Instagram

“Gusto ko lahat accessible, at kahit yung nandirito mga anak ko isang sigaw mo lang, andiyan na e , di mo na kailangan hanapin pa” ayon sa aktor. Ayon din sa aktor, masaya siya sa bahay na meron siya ngayon dahil doon mas komportable siya, ang pamilya at mga anak niya kaya wala siyang masyadong binago sa kung anong meron ang bahay nila noon.

Photo Credit: realedumanzano/Instagram

Nabanggit dn ng aktor na meron siyang ipinagawang guest house na para sa mga bisita na halimbawa ng nagkaroon ng kasiyahan at nakainom naat di na magawang umuwi dahil sa kalasingan eh may lugar na matutulungan ang mga ito.

PRIVATE ART GALLERY

Makikita rin sa tahanan ng akto ang napakaraming aft collections, na yon sa aktor ay isa siya sa mga fan ng mga contemporary artist pero ayon din sa kanya hindi niya din masasabi na isa siyang collector ng mga ito. 1990’s ng magsimula umano ang hilig niya sa arts, ng makilala niya si Mrs. Navarro sa isang Discovery Frames.

“ Sabi niya, ‘You know, nakita ko na mahilig ka sa kabayo, bibigay ko sayo’to, paraframe mo.’ At iyon nga ang unang actual frame piece ni Edu na kung saan ay pinaframe niya. Hanggang sa nakita nga niya ang ganda ng mga masters, na kung saan nalaman niya na ang dami palang contemporary artist.




Nabanggit din ng aktor na kapag nag tatravel siya, mahilig siya magpunta sa mga galleries ng mga bansa at lugar na napupuntahan niya. Isa nga ang aktor sa mga fan ng contemporary artist, na ayon sa kanya dito sa Pilipinas kapag nakikita niya ang art ng mga Pinoy masasabi niyang magaling na pwede itong icompare sa mga international artist.

Photo Credit: realedumanzano/Instagram

Na para sa kanya hindi lang ito nabibigyan ng tulak at sapat na marketing para ipromote ang kanilang mga produkto.Ayon din kay Edu kapag pumunta ka sa Singapore, Germany at New York maraming galleries na gawa ng mga Pinoy contemporary artist.

HOUSEMATES

Ang isa pa sa pinagkakaabalahan ni Edu sa kanyang bahay ay ang kanyang mga alagang aso. May pitong na alagang aso ang aktor, at ito ay sina Cinco, Uno, Hera, Oris, Nika at ang dalawang si Shawn at Chewy na ayon sa aktor ay ang dalawang nahuli aso ay narescue niya galing sa anak na si Addie at hindi rin siya ang nagbigay ng mga pangalan nito.

Photo Credit: realedumanzano/Instagram

Ayon sa aktor ang dati niyang kasama sa bahay na kanyang gardener ang nagbigay ng pangalan ng dalawang aso na galing kay Addie. Naikwento din ni Edu na hilig niyang ipasyal ang kanyang mga alaga mga bandang hapon hapon na kung saan hindi na masyadong mainit.

Na sa tuwing ipinapasyal niya ang mga ito ay nakikilala siya ng mga taong nakasalubong nila at tinawag siyang ‘Mr. President” or “Lucas Cabrera”, kung saan ito ang nagging role niya sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”. Sabi din ng aktor “Ang buhay ko dito, pag nilakad ko yung mga aso, and since ang dami nila, kailangan by turns.

Na hindi pwedeng isang ruta lang ang dadaanan nila, na dapat every two days magpapalit sila ng ruta kaya nakilala din ng aktor ang halos lahat ng kanyang neighbor at nakilala rin siya dito dahil sa dami ng aso na kanyang bitbit.




Ng tanungin naman ang aktor kung madalas ba bumisita roon ang kanyang mga anak, ay sinabi nito na bihira lamang na medjo nasa malungkot na himig. Pero nabanggit rin naman niya na ngayong darating na Pasko ay uuwi ang mga ito at doon magpapasko.

Ang kanyang dalawang anak na si Enzo at Addie ay parehong nagtapos ng kolehiyo sa La sale at sa Ateneo. Ngunit ang mga ito ngayon ay nasa New York upang makapag-aral pa at makakuha ng dagdag kaalaman.

Sa mga nagtatanong naman kung bakit may watawat ng ating bansa sa gate ng kanilang tahanan ay dahil na kahit naman saan siya nakatira may Philippine Flag talaga sa gate niya at hindi niya ito tinatanggal.

Dahil ang kanyang ama ay isang patriot, at kung sa ibang bansa nga daw ay makikita na nakadisplay ang kanilang mga bandila sa kani-kanilang mga tahanan, bakit dito sa Pilipinas ay pag Independence Day lang.

Kaya saad ni Edu na isa iyon sa paraan para mag encourage ang mga kababayan natin kailangan nating lahat maging proud sa ating heritage at na tayo ay proud maging isang Pinoy.

LUCKY CHOICE

Ibinahagi rin ni Edu na ang bahay na kanyang pagmamay-ari ngayon ay nabili niya sa pamilya nina Francisco “Bobby” Manosa isang national architect.
Kwento ng aktor na “Ang kapatid nyang babae, when she passed away early 2000’s, iniwan muna yung bahay.

“But, of course, pag di tinitirhan, nagda deteriorate, so they put it up for sale.”
Ng unang tumapak at makapunta ang aktor sa bahay na iyon 30 years na ang nakaraan kung saan ay dumalo siya ng kasal ng isang kaibigan hindi niya inakala na ngayon ay siya na ang nakatira sa bahay na iyon.

Naikwento rin ni Edu na tumira na siya sa Pasig, Quezon City, Makati, United Paranaque sa higit 20 taon, pero sa san Juan kung saan isang urban na lugar niya natagpuan ang bahay at buhay na gusto niya talaga.

Dito rin sa San Juan mas naging madali ang buhay ng kanyang mga anak, dahil kung noong nasa Makati daw sila gigising ng 5 o’clock ang mga ito para lang pumasok at makaiwas sa traffic, pero nung nasa San Juan na sila nilalakad na lang ng mga ito ang eskwelahan habang lalo kung wala pa ang kanilang mga sundo at mas naging malapit ang mga ito sa kanilang mga kaibigan.

Ayon din sa aktor ay maayos at the best ang kanilang mga neighborhood. Noon nga daw ditto sa San Juan ay wala pang masyadong sasakyan na dumaraan pero ngayon medyo nadagdagan na ang mga sasakyan dahil isa din ito sa mga way na makakaiwas ang mga sasakyan sa traffic.

Ang San Juan ay kilala as the city of four Philippine president’s (Diosdado Macapagal Jr., Ferdinand Marcos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo) maliban dito ay kilala rin daw ito bilang isa sa mga lugar na paborito ng pagtatayuan ng negosyo ng mga Chinese.

Sinasabi din ng iba na kung titignan mo sa mapa, yung hugis ng San Juan ay hugis ng isang belly ng dragon, kaya maraming nagsasabi na ito ay isang good feng shui.




“it is where the food is taken and stored, e, so its symbolizes wealth and prosperity” saad ng akto Nang tanungin siya kung nagging swerte ba ang buhay niya dito. Ito ang nagging saad ng aktor, “ Sa lahat ng bagay! Dito, nakita ko na lalong umangat yung career ko, even my children.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *