Silipin Ang “Casa Dela Cruz” Ang Bahay Kung Saan Lumaki Ang Magkapatid Na Angelika At Mika Dela Cruz

Upang ipakita ang bunga ng kanilang pagsisikap at pagtatrabaho, ay ilang mga artista ngayon ang buong pagmamahal na pinasilip ang kanilang mga tahanan.



Kabilang na nga sa mga artistang ito, na buong pagmamalaking ipinasilip ang kanilang tahanan ay ang aktres at ngayon ay Barangay Chairman ng Longos, Malabon na si Angelika Dela Cruz.
Image Credit via Google
Ayon sa aktres, marami ang nagrerequest na ipakita niya ang kanilang tahanan. Kaya naman upang pagbigyan ang mga ito, ay ay gumawa siya ng kanyang vlog at dito nga ay ipinasilip niya ang kanilang tahanan, ang “Casa Dela Cruz”, kung saan sila lumaki ng kanyang kapatid na si Mika Dela Cruz.
Image Credit via Google
Makikita nga pagpasok ng malaking bahay ng mga Dela Cruz, ang pagkakaroon nito ng high ceiling at agad ding mapapansin ang isang malaking larawan ni Angelika na nakasabit sa pader nito.
Image Credit via Google
Ang receiving area ng bahay nina Angelika ay matatagpuan sa ground floor, at dito nga makikita na naka-display ang mga trophies at awards na natanggap nilang magkapatid.
Nagsisilbing pangalawang living area naman ng kanilang bahay ang sala, at dito nga sila madalas tumambay at magbonding pagpapamilya. Makikita rin sa bahaging ito ng kanilang bahay, ang atrium kung saan ay nakakapag dagdag ito ng relaxing vibe sa lugar.
Image Credit via Google
Makikita rin ang mini bar ng kanilang bahay,na halos katabi lamang ng kanilang sala. Dito nakadisplay ang mga liquor at iba pang mamahaling inumin. Ayon nga kay Angelika, hindi naman sila umiinom kaya naman ang mga inumin at ang bar counter ay madalas lang magamit sa tuwing nagkakaroon ng bisita sa kanilang bahay.
Matapos naman ipakita ang mini bar, ay ipinasilip din ni Angelika ang kanilang simpleng dining area at kanilang malinis na kusina.
Image Credit via Google
Isang malawak na backyard naman ang makikita sa likurang bahagi ng kanilang bahay, na kung saan ay maaari itong pinagdausan ng mga handaan dahil sa lawak nito. Makikita rin ang isang altar sa may likurang bahagi ng kanilang bahay.
Image Credit via Google
May isang bahay rin na nakabukod sa malaking bahay nina Angelika, at ayon sa aktres ito ay isang guest house, na para sa mga bisita na magpalipas ng gabi sa kanila.
Image Credit via Google
Makikita na ang guest house ay isang maliit na bahay ngunit may dalawang palapag,ito ay kumpleto sa mga kagamitan dahil sa may sarili itong tulugan na makikita sa ikalawang palapag at sa unang palapag naman nito ay makikita ang kusina, maliit na sala, banyo at dining area.



Ang basement naman ang pinakahuli sa lahat ng ipinakita ni Angelika sa kanilang bahay. Ayon nga sa kanya sa parting ito ng bahay nakatago ang mga gamit ng kanyang lola, at madalas din silang tumatambay roon ng kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *