Silipin Ang Cuteness Overload Na Mga Larawan Ng Baby Girl Nina Rochelle Pangilinan At Arthur Solinap

Mas naging makulay, makabuluhan at masaya ang buhay ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, mula ng dumating sa kanilang buhay ang kanilang napaka-cute at adorable baby girl na si baby Shiloh Jane.




Sobra-sobrang pagka-aliw nga ang hatid ng naturang sanggol sa mag-asawa, na itinuturing nga ng mga ito na kanilang ‘apple of the eye’.

Photo Credit: rochellepangilinan/Instagram

Sina Rochelle at Arthur ay isa sa mga celebrity couple na talaga namang hinahangaan ng maraming mga Kapuso viewers. Kaya naman ng ibalita ibalita nilang dalawa sa publiko na sila ay magkakaroon na ng anak, ay marami ang ikinatuwa ang masayang balita, una na rito ang kanilang mga kapamilya, at syempre ang kanilang mga tagahanga at kapwa artista.

Photo Credit: rochellepangilinan/Instagram

Matatandaan na nagkaroon ng gender reveal party ang mag-asawa noong buwan ng Nobyembre taong 2019, at ito nga ay dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan. Marami sa mga nasabing panauhin ang na-excite sa nasabing okasyon, lalo na ng i-reveal na ng mag-asawa kung ano ang gender ng kanilang magiging baby.

Photo Credit: rochellepangilinan/Instagram

Hindi naman nagpahuli ang mga tagahanga ng dalawa, dahil inabangan rin ng mga ito kung ano ang kalalabasan ng gender reveal. At sa huli nga, ay masayang inanunsyo ng mag-asawa na isang baby girl, ang magiging panganay niyang anak.

Photo Credit: rochellepangilinan/Instagram

Isang malusog na baby girl nga ang isinilang ni Rochelle noong ika-24 ng Pebrero taong 2020. At matapos nga niyang magsilang, ay agad niyang ibahagi sa publiko, ang saya na kanilang nararamdaman ngayon na kanila ng nasisilayan at nahahawakan ang kanilang munting anghel na si baby Shiloh Jane.

Photo Credit: rochellepangilinan/Instagram

Ibinahagi rin ni Rochelle ng mga panahong iyon, kung ano ang kanyang pakiramdam ng siya ay manganganak na. “Hindi madaling manganak, napakahirap! Kaya sa lahat ng mga nanay saludo ako sa inyo! Lalo na sa nanay ko! Grabe!!”, saad ni Rochelle.

Photo Credit: rochellepangilinan/Instagram

Nagbahagi rin ang mag-asawa sa kanilang social media account, ng unang larawan nila bilang isang pamilya. Makikita rin ang naging pagbabago noon ni Rochelle kung gaano siya ka-swerte sa kanyang asawa, dahil sa talagang ubod ito ng responsable at maalaga sa kanya, lalo na sa kanilang anak.

Photo Credit: rochellepangilinan/Instagram

“Sa kabila ng sunod-sunod na trabaho mo, Bhe, pag-uwi mo sa bahay, sinisigurado mong may time sakin at kay Shiloh”, ani pa ni Rochelle.




Noon ngang mag-isang buwan ang kanilang munting anghel, ay lumutang ang kakyutan nito, kaya naman hindi lang ang mag-asawa ang giliw na giliw sa naturang sanggol, kundi maging ang mga netizens na tumitingin ng mga larawan ni baby Shiloh. Para naman mapanatiling malusog si baby Shiloh Jane, ay pinili ni Rochelle na mag-breastfeed sa kanyang baby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *