Silipin Ang “Dream House” Na Ipinapatayo Ni Camille Prats At Asawa Nito Para Sa Kanilang Binubuong Pamilya

Ibinahagi ng dating child star/actress na si Camille Prats ang naging matamis na kwento ng pag-iibigan nila ng kanyang asawa ngayon. Kasabay pa nito ay ang naging pagpapasilip ng aktres sa kanilang ipinapagawang bagong bahay na para sa kanilang binubuong pamilya.




Sa social media ni Camille, ay makikita ang kanyang maikling post kung saan ay binahagi niya kung gaano siya ka-grateful sa buhay at pamilya na mayroon siya ngayon.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

“Grateful that God handpicked you to be by my side as we build our lives and our family together filled with His grace and love. Never thought the day would come when God will actually make things happen for us”, saad nga ng aktres sa kanyang post.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Ayon nga kay Camille, sa naging love story nila ng asawa, ay masasabi nga talaga na ito ay plinano ng Diyos, dahil sa hindi man naging madali ang kwento at pinagdaanan ng kanilang pag-iibigan ay napagtagumpayan naman nila ito.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

“Looking back to our LDR days and ‘you and me [email protected] the world’ love story … Aba! Akalain mo? Grateful. Just grateful. @vjyambao”, dagdag na pa ng ani Camille.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Hindi man nga naging madali ang love story ng mag-asawa na ngayong sina Camille Prats at John Yambao, ay napaka-grateful umano nila dahil sa kabila ng napakaraming pagsubok ay heto sila ngayon at masayang mag-asawa at nakabuo na ng isang pamilya.

Matatandaan na si Camille Prats ay nagkaroon ng unang asawa, na kung saan ito ay ang ama ng kanyang unang anak, ngunit ang kanilang pagsasama ay sinubok ng ito ay magkaroon ng malubhang karamdaman hanggang sa ito ay [email protected]




Ikinasal naman si Camille sa kanyang asawa ngayon na si John Yambao na isang businessman noong ika-7 ng Enero taong 2017, at makalipas ang isang buwan matapos ang kanilang kasal ay kinumpirma ng aktres sa isang panayam sa kanya, na siya ay buntis, kung saan ito ang unang anak nilang mag-asawa, ngunit pangalawang anak na niya.

Marami naman sa mga tahanga at tagasuporta ni Camille Prats, ang labis na ikinasisiya ang maganda at masayang buhay na mayroon ito ngayon kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *