Silipin Ang Elegant Modern Condo Ng Starstruck Survivor Na Si Yasmien Kurdi

Unang nanirahan si Yasmien Kurdi at asawa nitong si Rey sa isang studio unit, hanggang sa maisipan na ng kanyang asawa na panahon na upang maghanap sila ng medyo malaki-laking matitirhan dahil sa magsisimula na rin silang bumuo ng pamilya.




Sa isang lugar sa Taguig City, nakakita ang asawa ni Yasmien na si Rey ng isang unit na ayon rito ay tamang-tama sa kanilang pagsisimula ng pamilya dahil sa malawak rin ito. Ngunit ang mas nagustuhan nilang mag-asawa sa lugar, ay ang property amenitie’s nito at security.

Image Credit via Google

Pinaka-importante sa mag-asawa ay ang seguridad ng kanilang anak, kaya naman talagang na-impress sila sa unit na ito dahil sa mga CCTV nito na kung saan ay agad nilang makikita kung ano man ang ginagawa ng kanilang anak.

Image Credit via Google

Makikita naman sa mga larawan ang ilang bahagi ng unit na ito nina Yasmien. At mapapansin nga na hindi isang tema lamang ang ginamit dito ng aktres.

Ayon pa nga sa aktres, nais niyang maging kakaiba ang dating ng kanilang tahanan kaya naman may ibang bahagi rito na may contemporary touches at ang ilan naman ay modern touch.

Image Credit via Google

Narito ang ilan sa mga nakamamanghang bahagi ng unit nina Yasmien Kurdi, na ang aktres mismo ang nag-ayos at pumili ng mga materyales na ginamit.
Living at Dining Area

Image Credit via Google

Isang maaliwalas na living area, kung saan ay makikita ang kanilang comfortable sofa na may agaw-pansin na mga unan. Mayroon din ditong dalawang ottoman, at isang dining table na kung saan ay maari rin itong maging storage.

Image Credit via Google

Mapapansin rin ang mga shelves na nagsisilbing lagayan ng mga family decorations at accessories.

Image Credit via Google

Makikita rin ang pagka- well-designed ng unit, dahil sa accessible ang living area at dining area nito, kung saan ay maaaring manood ng telebisyon ang pamilya habang sila ay kumakain sa kanilang hapag-kainan.

Image Credit via Google

Dahil tatlo pa lamang sa pamilya, ay tamang-tama kana Yasmien ang kanilang 4-seater dining table na may dalawang upholstered chair at tufted bench. Makikita naman sa tabi ng isang upuan ang gitara ng aktres.

Nilagyan naman ni Yasmien ng malapad na salamin sa bandang hapag-kainan nila upang lumawak itong tingnan.

Kitchen Area

Isang maliit ngunit kumpotableng kitchen area naman mayroon sa unit na ito nina Yasmien, na tamang-tama lamang para sa kanilang pamilya. At dahil sa mahilig ang aktres sa pagluluto, ay isa ito sa pinakapaboritong niyang bahagi ng kanilang tahanan.

Mayroon din itong counter na nagsisilbi ring mini-counter bar dahil sa itaas nito ay makikita ang display cabinet kung nasaan ang kanilang mga wine collections.

Makikita naman sa may bandang pader patungo sa kusina, ang isang wall na puno ng family picture ni Yasmien na may iba’t ibang laki at mga hugis.

Bedroom

Bilang aktres, ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ni Yasmien ng maraming mga damit, sapatos at kung ano-ano pang mga gamit, ngunit ayon sa asawa nitong si Rey ay ayaw ng aktres na naiipon ang mga gamit niya lalo na kung hindi niya ito pa nagagamit kaya naman every 3 months ay nagdedespose ng gamit ang aktres sa pamamagitan ng Bazaar.

Kaya naman sa kanilang silid, ay tamang-tama lamang angn laki at lagayan ng kanilang mga damit, sapatos at iba pa nilang mga kagamitan.

Ayesha’s Bedroom

Isang bedroom na may pink touches naman ang silid ng anak nina Yasmien at Rey na si Ayesha. Sa mga kagamitan at dekorasyon na makikita rito ay talaga namang perfect ito para sa isang batang babae, tulad ng kanyang bed with canopy na nagsisilbi ring mosquito net nito at mayroon din itong mini-study area.

Bathroom

Mga pulang mga kagamitan at red mosaic tiles naman ang makikita sa malinis na bathroom na tahanan nina Yasmien.

Second Veranda

Ang bahaging ito ng tahanan ay pwede mo maaccess sa pamamagitan ng pagpasok sa loob ng silid ng mag-asawa, dito silang dalawa ay masayang nagkakape at nagkakwentuhan.

Balcony

Mararating mo naman ang balcony ng kanilang tahanan, sa pamamagitan ng sliding door na nasa bandang living at dining area.




Ayon kay Yasmien ay mula sa kanilang balcony ay matatanaw ang amenities ng condominium at sa tuwing may fireworks sa Resort World, SM Aura, Piazza at Mall of Asia ay tanaw na tanaw rin mula dito.

Para naman kay Yasmien ay napakaraming memories ng tahanan nilang ito, dahil dito na siya nag buntis at dito na rin lumaki ang anak niyang si Ayesha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *