Silipin Ang Engagement Ng Magkasintahang Jessy Mendiola At Luis Manzano

Tila bago matapos ang huling buwan ng taong ito ay isa sa ating mga kilalang personalidad sa showbiz ang itinuturing ito na “the most memorable month” sa kanilang buhay ngayong taon, dahil sa mga biyayang natatanggap nila.




Kagaya na nga lamang ng celebrity couple na Luis Manzano at Jessy Mendiola, kung saan ay ang buwan na ito para sa kanilang dalawa ay masasabing ang “Tamang Panahon” upang mas pagtibayin pa at ituloy na sa “next level” ang kanilang relasyon.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Nangyari na nga ang matagal ng hinihintay ng maraming mga netizens at tagahanga ng magkasintahan, dahil mag-level up na ang relasyon nina Jessy at Luis.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Sa kanila ngang Instagram account ay masayang ibinalita ng magkasintahan na sila ay “Road to Forever” na, matapos nilang i-post ang mga kuhang larawan mula sa naganap na wedding proposal.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Makikita nga sa Instagram post ng magkasintahan, ang napakagandang actress na si Jessy Mendiola habang nakasuot ng isang blue dress, at si Luis Manzano naman ay nakasuot ng coat na pareho ng kulay sa kasintahan. Sa mga larawan rin ay makikita ang naging pagbabahagi ng napakagandang engagement ring na ibinigay ni Luis kay Jessy, ng mag-propose ito.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Ang larawan ngang ibinahagi nina Luis at Jessy sa kanilang Instagram, ay nagpakita na ang panahon na ito ang naging hudyat kay Luis, na hingin na sa kasintahang actress ang matamis nitong “Oo”, upang ito’y kanyang mapakasalan, at maging asawa na makakasama at makakatuwang niya habang buhay.

At dahil din sa ilang taon na ang kanilang relasyon, at napatunayan na rin ng ni Jessy Mendiola kung gaano siya kamahal ng nobyong aktor, at kung gaano niya rin ito kamahal, ay hindi na nga ito nagpatumpik-tumpik pa at ibinigay na nito kay Luis Manzano ang kanyang matamis na “Oo”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Pebrero nga ng taong ito, ay matatandaan na sinabi ng Tv host-actor na si Luis Manzano, na siya ay handa ng pakasalan ang nobyang actress na si Jessy Mendiola. At ng tanungin ngan sa kanya, kung kalian nito babalakin na yayaing magpakasal ang nobya, ay tanging “sa tamang panahon”, ang naging kasagutan niya.




Umani naman ng maraming pagbati ang naging masayang anunsyo na ito nina Luis at Jessy ng kanilang engagement, kung saan ay ilang mga kaibigan nila sa showbiz at mga netizens ang nagpa-abot sa kanila ng ‘congratulatory message.’

Narito nga ang mga naging komento ng pagbati para sa magkasintahan; “Aaaaayyyyyaaaannnn na!!! Congrats!!!!” “Congratulation guys” “Ahh congrats! And the hashtag is good!” “CONGRATULATIONS… AYAN NA NGA!!!” “Super congratulations lady and kuya @luckymanzano.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *