Silipin Ang Engagement Ni Ara Mina At Kanyang Non-Showbiz Boyfriend

Masayang buhay pag-ibig, tila ito ang naging bungad ng Bagong Taong 2021 sa actress-entrepreneur na si Ara Mina, matapos mag-propose sa kanya ng non-showbiz boyfriend niya na si Dave Almirez.




“Yes”, ito nga ang naging sagot ng 41-taong gulang na aktres na si Ara Mina sa marriage proposal ni Dave Almirez, 46-taong gulang na isang secretary ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

Image Credit: therealaramina/Instagram

Ayon nga sa mga lumabas na ulat patungkol sa kaganapan na ito sa buhay ng aktres, nangyari umano ang napaka-romantikong marriage proposal na ito, noong ika-12 ng Enero 2021, sa isang mala-paraisong lugar sa San Pedro, Laguna.

Image Credit: therealaramina/Instagram

Gabi ng Martes, sa kaparehong petsa rin ng lumabas na sa Instagram ng Nice Print Photo, ang mga larawan ng bagong engaged couple, kung saan ang mga larawan na ito, ay kuha sa naging kaganapan sa engagement ng dalawa.

Image Credit: therealaramina/Instagram

“WILL YOU MARRY ME”, ang mga salitang agad na makikita sa background ng isa sa mga larawan ng magkasintahan, habang sila ay kinunan ng magkatabi, at hawak ni Dave ang kamay ni Ara, na kitang-kita na ang suot nitong engagement ring.

Image Credit: therealaramina/Instagram

Kalakip nga ng larawan na ito, ay ang inilagay na caption ng nasabing photography company na; “And it’s official! [ring emoji] @therealaramina is now engaged!
Congratulations Dave and Ara! Soooo happy to be part of this beautiful moment
Samantala,

Image Credit: therealaramina/Instagram

ilan pa ngang mga larawan na talaga namang napaka-memorable, na kuha sa naging engagement ng magkasintahan ang ibinahagi ng Nice Print Photo, kabilang na nga rito ay ang larawan, kung saan makikita naman ang naging pagluhod ni Dave Almirez sa harap ni Ara Mina, kasabay ng paglalahad nito ng singsing para sa aktres.

Image Credit: therealaramina/Instagram

Isang larawan pa nga ang makikita, na magkayakap na ang magkasintahan, at ito ay matapos ngang sumagot ng “Yes” ng Ang Probinsiyano actress sa marriage proposal ng kanyang boyfriend.

Nakasaad nga na caption sa larawang ito ay; “They’re engaged! Congratulations @therealaramina and Dave Almirez [four rings emoji] This most beautiful moment, priceless.”

Ang malapit na kaibigan at parang kapatid na kung ituring ni Ara, na si Barbie Imperial ay nagbahagi sa IG account nito ng kanyang naging pagbati at mensahe para sa masayang kaganapan na ito sa buhay ng kanyang ate Ara.

“My ate is now engaged! Congrats my ate, you deserve all the happiness in the world.
“I am so happy for you ate! Can’t wait to see you in a beautiful white dress! I love you.”




Maliban pa nga kay Barbie, ay ilan pang mga kaibigan ni Ara Mina sa industriya ng showbiz ang nagpa-abot ng kanilang congratularory message para sa pagka-engage na ng aktres.

Nobyembre 2020 naman ng nakaraang taong ng isapubliko ni Ara, na sila ni Dave Almirez ay exclusively dating na. At bago nga niya ito ipinakilala sa publiko, ay dalawang taon na rin nilang kilala ang isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *