Silipin Ang Ethereal Themed Bridal Shower Ni Sarah Lahbati

Lahat nga naman tayo ay pangarap sa ating buhay ang makatagpo ng tunay na pag-ibig sa ating hinaharap na makakasama natin sa pagbuo ng pamilyang pinapangarap natin at nagpaparamdam sa atin ng pagmamahal na walang katulad.

Photo Credit: sarahlahbati/instagram




Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kwento ng pag-ibig, ang iba ay nagsimula sa masaya na nagtapos sa malungkot, may iba naman na dumaan muna sa maraming pagsubok ang pag-iibigan hanggang napagtagumpayan ito at tuluyang naging masaya at natuloy sa kasalan.

Photo Credit: sarahlahbati/instagram

Marami tayong mga kilalang tao na may mga istorya ng pag-ibig na talaga nga namang hinahangaan mo, maging sa ating mga kilalang artista ay may mga celebrity couple tayo na ating inaabangan ang kwento ng pag-iibigan na kung ito ba ay mauuwi sa kasalan at panghabang buhay.

Photo Credit: sarahlahbati/instagram

Isa sa mga celebrity couple na talagang ang love story nila ay sinubaybayan ng kanilang mga tagahanga ay sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, na ngayong taon nga ay ilang buwan na lang ay ikakasal na.

Photo Credit: sarahlahbati/instagram

Matatandaan na taong 2017 ng ma-engage sina Richard at Sarah, ngunit dahil sa muling pagbubuntis ni Sarah sa kanilang pangalawang anak ay iniurong muna nila ang taon ng kanilang pagpapakasal.

Photo Credit: sarahlahbati/instagram

Ngayong taon nga ay wala ng makakapigil pa sa magiging kasalan ng dalawa, tuloy-tuloy na ang naging paghahanda sa nalalapit na kasalang Richard at Sarah. At isa sa mga pinaghandaan selebrasyon bago ang nalalapit na kasal ay ang pagkakaroon ni Sarah Lahbati ng bachelorette party o bridal shower.

Photo Credit: sarahlahbati/instagram

Sa instagram ni Sarah ay ipinasilip niya sa mga netizens ang mga kaganapan sa kanyang bridal shower na kung saan ay marami ang namangha dahil sa ganda ng pagaka-ayos ng venue at sa ganda ng mga dekorasyon na nakapalibot dito na halos karamihan ay nakukulayan ng pink.

Photo Credit: sarahlahbati/instagram

Napakaganda nga ng Bridal Shower ni Sarah lahbati dahil sa nagmistulang Pink Enchanted garden ang lugar na pinagdausan nito sa sobrang ganda ng mga dekorasyon nito at mga bulaklak na nakapalibot rito.

Sa ginanap na bridal shower para sa nalalapit na maging Mrs. Gutierrez na ay kinumbida ni Sarah Lahbati ang kanyang malalapit na kaibigan na sina Coleen garcia at Bella Padilla.




Hindi rin naman nawala sa pagdiriwang ang magiging mother-in-law ni sarah na si Annabelle Rama. Ang kasalang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay itinakda sa buwan ng Marso ngayong taon, at marami na nag excited sa nalalapit na kasalang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *