Silipin Ang Ganda Ng Bahay Ni Derek Ramsay Sa Palawan Na Bunga Ng Kanyang Sipag At Tiyaga

Pangarap ng bawat isa sa atin ang magkaroon ng ating sariling tahanan. Isa ang tirahan sa mga pangunahing kailangan ng isang tao. Bagama’t ito’y pangangailangan, may mga taong ginawa ng luho ang pagpapatayo ng bahay. Wala namang masama kung maging maluho ka sa iyong bahay dahil ito naman ay iyong pinaghirapan buuin. Malaking pera ang inilalabas sa pagpapatayo ng isang bahay kung kaya’t “hands-on” ka sa bawat detalye ng konstruksyon nito. Ang isang bahay ay isang simbolo rin ng estado ng isang tao sa lipunan.

Photo Credit: Derek Ramsay/Twitter




Katulad na lamang ng bahay ng pamilya ni Derek Ramsay na nakatirik sa napakagandang lugar ng Palawan. Itinayo ito ng kanilang pamilya noong taong 2013 sa bayan ng San Vicente sa Palawan. Pinagtulungan nila ng pamilya ang paggawa ng bahay na ito. Tatay ni Derek ang namahala sa kabuuang istruktura ng bahay habang sa “interior design” naman nakatutok si Derek at ang kanyang Mommy Meldy. Ang bahay nila ay gawa sa salamin at makikita ito sa tabi ng dagat. Mayroon itong anim na kwarto.

Photo Credit: Derek Ramsay/Twitter
Photo Credit: Derek Ramsay/Twitter

Kasama ng kanilang bakal na pinto sa harapan ng kanilang bahay ay isang tempered glass na galing pa umanong Australia. Pagpasok mo sa bahay ay makikita mo ang iba’t-ibang mga furnitures na ang pumili ay sina Derek at Mommy Meldy mismo. Ang kanilang mga furnitures ay nanggaling sa iba’t-ibang lugar katulad ng Italy, at Bacolod. Karamihan rin sa mga kagamitan nila ay mga obra maestra ng mga kilalang artista sa sining.

Photo Credit: Derek Ramsay/Twitter

Galing naman sa Cebu ang mga upuan sa kusina nina Derek na si Mommy Melds naman ang pumili. Ayon kay Derek, ito ang kaniyang pinakapaboritong lugar ng bahay kung kaya’t talagang pinaggastusan niya ito. May lugar sa kanilang kusina kung saan makikita dito ang mga wines, mga baso, at mga tasa. Bagama’t hindi pa tapos, napakaganda nang tingnan ng kanilang kusina.

Photo Credit: Derek Ramsay/Twitter

Hindi na nakakabigla kung bakit ganito kaganda ang kwarto ni Derek. Dito makikita ang “Yin and Yang” na kama na siyang naging sentro ng kanyang kwarto. Makikita rin dito ang mga obra ni Kenneth Cobonpue at Ito Kish.

 

Galing naman sa Bali, Indonesia ang kama na makikita sa master’s bedroom. Hindi pa ito tapos at may idadagdag pang mga kagamitan si Mommy Meldy. At bilang isang babae, makikita naman sa kwarto ng bunsong kapatid ni Derek na si Natalia ang chandelier at napakagandang kama. Malumanay ang mga kulay nito na swak sa pagkababae ng kanyang kapatid. Nais mo rin bang magkaroon ng ganitong bahay?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *