Silipin Ang Ganda Ng Bahay Ni Derek Ramsay Sa Palawan Na Bunga Ng Kanyang Sipag At Tiyaga

Ang tahanan o bahay ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang tao, ito ay nagsisilbing kanlungan ng isang pamilya. Pangarap ng bawat isa sa atin na magkaroon at makapag patayo ng sarili nating bahay na naaayon sa disenyo na gusto natin, ngunit hindi naman ganun kadali ang gawin at tuparin ang pangarap na ito.

Photo Credit: kingderekramsay/Twitter




Dahil sa pagpapatayo ng bahay ay malaking halaga ang kinakailangan kaya’t ilang taon mo din itong pagtatrabaho. Sa panahon din natin ngayon ay isa na ang bahay sa mga tumatayong simbolo ng estado ng isang tao sa lipunan.

Photo Credit: kingderekramsay/Twitter

Katulad na lamang ng mga tahanan ng mga kilalang personalidad at artista, hindi biro ang laki at ganda ng pamamahay ng mga ito. Isa sa mga artista na may malaki at magarbong bahay ay ang aktor at modelong si Derek Ramsay.

Photo Credit: kingderekramsay/Twitter

Ang bahay ng pamilya ni Derek Ramsay ay matatagpuan sa mala-paraisong lugar ng Palawan. Taong 2013 ng itayo sa napakagandang lugar ng San Vicente sa Palawan ang tahanan ng Pamilya nina Derek kung saan ang ama ng aktor ang namahala sa kabuuang istruktura ng bahay.

Photo Credit: kingderekramsay/Twitter

Si Derek naman at ang kanyang ina na si Mommy Meldy ang tumutok sa interior design ng kabuuan ng kanilang bahay. Napakalaki at napakagarbo ng tahanan na ito nina Derek Ramsay dahil ito ay may anim na silid at halos ang kabuuan ng bahay ay gawa sa mga salamin.

Isa rin sa mga nagbigay ng maaliwalas na paligid sa bahay na ito ay ang tanawin dito dahil ito ay nakatirik malapit sa dagat. Hindi rin matatawaran sa ganda ang mga kagamitan na nakapalibot sa bahay na ito ng aktor dahil pagpasok mo pa lamang ay ang kanilang pintuan na gawa sa bakal at kasama nito ay makikita sa harapan ng kanilang bahay ang isang tempered glass na nagmula pa umano sa Australia.

Sa loob naman ng kabahayan ay masisilayan ang mga kagamitan na nagmula pa umano sa iba’t ibang lugar katulad ng Italy at Bacolod na kung saan ay sina Derek at ang kanyang Mommy Meldy ang pumili ng mga ito. Makikita rin sa loob ng bahay ang mga obra na gawa ng mga kilalang artista sa sining na mas lalong nagbigay ng kulay sa loob ng kabahayan.

Ang kanilang kusina naman ay makikita na hindi pa gaanong tapos, ngunit ito maganda ng tingnan at may mga kagamitan na rin katulad ng mga upuan na nagmula pa sa Cebu na si Mommy Melds ang pumili. Ayon pa sa aktor ay ang kusina ang isa sa mga pabirito niyang lugar kaya’t talagang ginastusan niya ang mga kagamitan na makikita rito.

Makikita na rin sa kanilang kusina ang mga nakadisplay na mga mamahaling wines, wine glass at mga tasa. Ang mga silid naman ay may kanya kanya ring ganda lalo pagdating sa mga kagamitan.

Sa silid ni Derek ay makikita ang mga obra ni Kenneth Cobonpue at Ito Kish, matatagpuan din dito ang kama na ‘Yin at Yang’ kung saan ito ang naging sentro ng nasabing silid. Ang master’s bedroom naman ay hindi pa gaanong tapos dahil may mga kagamitan pa na ilalagay dito ang ina ng aktor ngunit makikita na rito ang isang kama na nagmula pa sa Bali, Indonesia.




Hindi rin naman magpapahuli ang silid ng kapatid na babae ni Derek na si Natalia. Ang silid nito ay makikita ang isang chandelier at napakagandang kama, napipinturahan din ang silid nito ng kulay na bagay na bagay sa isang dalaga.

Hindi nga kataka-taka na magkaroon ang pamilya ni Derek ng napakagandang bahay na ito sapagka’t tulong-tulong silang magpamilya upang ipakita ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *