Silipin Ang Ganda Ng Mga Ari-Arian Ng Aktres Na Si Dimples Romana Sa Cavite

Iba ang pakiramdam na makabili ng sarili nating ari-arian. Maging ito man ay isang gadget, kagamitan sa bahay, o sasakyan, maliit man o malaki, masarap sa pakiramdam na nakabili ka ng isang bagay na nanggaling sa iyong pinagpaguran. Nakakadagdag ito sa halaga mo bilang tao at malaki rin ang maitutulong mo sa iyong sarili at sa iyong pamilya dahil sa iyong mga naipundar.

Photo Credit: Dimples Romana/Google




Kung sa mga ganoong bagay pa lamang ay natutuwa na tayo, kakaibang kasiyahan naman ang ating nararamdaman kapag nakapagpundar na tayo ng ating sariling tahanan at lupain. Hindi biro ang halaga ng mga lupain at bahay sa Pilipinas lalo pa’t mataas na rin ngayon ang mga bilihin kung kaya’t isang karangalan para sa sarili ang nakapag pundar ng ganitong kalaking mga ari-arian.

Photo Credit: Dimples Romana/Google

Isa sa mga artistang marami nang mga ari-ariang napundar ay si Dimples Romana na mas kilala bilang si Daniela Mondragon-Bartolome sa programang Kadenang Ginto. Sa likod ng kanyang mataray na pagganap sa programa ay isa pala siyang wais na misis at asawa sa totoong buhay. Pagdating sa paghawak at pagpapalago ng pera, magaling si Dimples dito kung kaya’t hindi na rin siguro nakapagtataka kung bakit napakarami nilang ari-arian.
Isa sa mga ari-ariang nabili ni Dimples ay ang sarili niyang paraiso na makikita sa bayan ng Alfonso sa Cavite.

Photo Credit: Dimples Romana/Google

Ayon kay Dimples, mahalaga ang lugar na ito para sa kanya dahil ito raw ang dahilan kung bakit siya nagpursige. Sinabi rin ni Dimples na wala silang instagram yadong mga tao para matayo ang bahay na ito. Nakaraang taon lamang nila ito namili ng kanyang asawang kasama niya sa loob ng 16 na taon.

Photo Credit: Dimples Romana/Google

Sa katunayan, napapaiyak raw si Dimples sa tuwing nakikita niya ang kanyang bahay dahil marami raw siyang pinatak na luha at tiniis na mga sampal mula sa mga pelikula para lamang makuha ang ari-arian na ito. Binahagi rin ni Dimples kung gaano raw ka-proud ang kanyang mga kaibigang sina Bea Alonzo at Angel Locsin sa tuwing pumunta sila sa kanyang bagong biling gusali.

Balak rin ni Dimple na magkaroon ng sariling hardin. Isa sa mga mensahe ng tumatak sa kanya ay ang sinabi ng kanyang tito Tirso. “Nakausap ko si Tito Tirso, sabi ni Tito Tirso sa akin, ‘Anak, alam mo ba anak ka ang Diyos, kapag masipag ka at may babayaran ka….lahat ng kailangan mo ibibigay Niya sa’yo. Sobrang sipag mo, halos ‘di ka na umuuwi, i-reserve mo to, kunin mo ‘to…habang bata ka, ngayon mo na gawin ‘to.” Ang galing-galing naman ni Dimples!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *