Silipin Ang Ginawa Ng Aktor Na Si Daniel Padilla Na Ikinagulat Ni Kathryn Bernardo

Nito lamang nakaraang linggo ng ibahagi ni Kathryn Bernardo sa kanyang YouTube vlog, ang naging mabilis nilang pagbabakasyon sa Batangas, kung saan ay mayroon rin siyang ginawang shoot sa nasabing lugar.



Kasa-kasama rin naman ni Kath sa nasabing bakasyon ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. At maging ang ilang miyembro ng pamilya ni Kath, at kanyang mga alagang aso ay kasama rin ng aktres sa naging Batangas get away na ito.
Image Credit via YouTube
Habang idinu-dokumentaryo naman ni Kathryn ang mga ginagawa niya noong araw na iyon, ay makikita ang kasiyahan sa mukha ng dalagang actress.
Image Credit via YouTube
Sa dokumentaryo nga ni Kath sa kanyang vlog, ay ipinakita nito ang ganda ng resort na kanilang pinuntahan sa Batangas.
Image Credit via YouTube
Habang abala ang aktres sa pagpapakita ng ganda ng San Benito Farm, ay makikita naman na naliligo ang kapatid nito sa pool kasama ang nobyo niyang si Daniel.
Image Credit via YouTube
Laking gulat, at hindi naman napigilan ni Kathryn ang mapatili, ng makita niya ang naging pag-tumbling ni Daniel sa pool, kung saan ay maririnig pa nga sa video ang naging pagsambit ng aktres ng salitang “Oh my God.”
Image Credit via YouTube
Kahit sino nga naman siguro, lalo na nag hindi sanay na makakita ng ganoong ginawa ni Daniel na pag-tumbling sa pool ay talagang mapapatili at kakabahan.
Matatandaan naman, na nitong buwan lang ng Agosto ay naging usap-usapan si Daniel Padilla online. Ito ay matapos ang ginawa niyang kabutihan sa isang tricycle driver na nakabangga sa mamahaling sasakyan ng binata, na kung saan ayon sa ilang source ang halaga ng nasabing sasakyan ni Daniel ay umaabot sa 10-milyong piso.
Imbis nga na magalit ang aktor dahil sa nagkaroon ng gasgas ang kanyang sasakyan, at marahil ay mahal ang maging pagpapaayos niya dito ay kalmadong nakipag-usap ang aktor sa tricycle driver na nakabangga sa kanya.
Video Credit: YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=pW4Xl-OCn-o
At imbis na siya ang humingi ng bayad dahil sa gasgas na natamo ng kanyang mamahaling sasakyan, ay siya pa ang nagbigay ng kaunting tulong sa driver ng tricycle.



Kung nais niyo naman na mapanood ang kabuuan ng video, kung saan ay makikita ang naging pag-tumbling ni Daniel Padilla, ay panoorin niyo ito sa YouTube channel ni Kathryn na “Everyday Kath.”
Sa ngayon ay mayroon na ring halos isang-milyong mga subscribers si Kathryn Bernardo sa kanyang YouTUbe channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *