Silipin Ang Humble Home Ng Aktor Na Si Richard Yap

Sa showbiz ngayon, marami sa ating mga hinahangaan at kinakikiligang mga leading man at aktor ay mga bata pa at nasa edad lamang na 20’s 0 30’s.




Ngunit may isang aktor na masasabi nating hindi mahahalata ang kanyang tunay na edad dahil sa taglay pa rin niya ang karisma na nagbibigay kilig sa marami niyang mga tagahanga at manonood. Ito ay 53 taong gulang na aktor na ngayon na si Richard Yap.

Image Credit via Google

Ipinagdiwang ni Richard ang kanyang ika-53 taong gulang noong Mayo 18, at sa edad nga niyang ito ay hindi naman talaga halata sa kanyang porma, pananamit at mukha.

Image Credit via Google

Ang aktor na si Richard Yap ay isa sa mga sought-after leading man sa showbiz ngayon, una siyang nadiscover ng maging isa siya sa mga modelo ng isa sa mga popular na fast-food chain.

Image Credit via Google

Bilang isang aktor sa industriya ng showbiz, ay pinatunayan nga ni Richard Yap na hindi basehan ang edad ng isang tao, para maging isang sikat sa larangan na kanyang napili.

Image Credit via Google

Mas lalo pa ngang nakilala sa industriya ng showbiz si Richard Yap ng gumanap siya bilang “Papa Chen” sa seryeng My Binondo Girl at mas minahal siya ng marami bilang si ‘Sir Chief” sa long-running drama series noon ng ABS-CBN na Be Careful with My Heart.

Image Credit via Google

Maliban nga sa isang pagiging magaling at hinahangaang aktor ngayon sa showbiz, ay isa ring successful businessman at entrepreneur si Richard Yap. At ang lahat ng ng kanyang tagumpay sa kanyang career at negosyo ay talaga namang inilalaan niya para sa kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Bilang isa sa mga kilalang aktor ngayon, ay marami ngang mga tagahanga si Richard na nagre-request na ipasilip nito sa publiko ang tahanan nito.

Kamakailan nga lamang sa kanyang Youtube Channel ay nagbahagi si Richard Yap ng munting pasilip sa kanilang napakagandang tahanan na para sa kanya ito ay isang “Humble Home.”

Makikita nga sa video na ibinahagi ng actor-businessman ang ilang bahagi ng kanilang bahay, na talaga namang nakakamangha ang ganda at mga kagamitan.




Ayon sa actor, naisipan niyang ipasilip ang kanilang “Humble Home”, dahil sa marami na rin ang kanyang mga tagahanga na nais masilip ito at matagal na ito nirerequest ng maraming netizens.

“Hi guys! Since many of you have been asking to see my house, we decided to show a glimpse of it. Welcome to my humble home”, saad ng actor-businessman bago pa man nga ipinasilip ang kanilang tahanan. Ano ang masasabi niyo sa “Humble home” na tahanan ni Richard Yap at ng pamilya nito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *