Silipin Ang Ilang Detalye Ng Pagbubuntis Ni Trina Candaza At Kung Gaano Ka Hands On Partner Si Carlo Aquino

Kamakailan lamang ay naging maingay ang pangalan ng aktor na si Carlo Aquino, sa online world. Ito ay matapos ibahagi ng aktor na siya ay isa ng ama, sa unang anak nila ng kasintahan niyang si Trina Candaza.



Marami nga sa mga netizens, at kaibigan ng aktor sa showbiz ang talaga namang ikinagulat ngunit naging masaya para sa aktor, ng ipinakilala ng nito sa publiko ang kanilang anak ni Trina.
Photo Credit: trinacandaza/Instagram
Naging usap-usapan nga sa social media, si Carlo Aquino, matapos niyang magbahagi ng kanyang larawan, karga ang isang sanggol na babae kung saan ay nilakipan niya ito ng caption na mula sa lyrics ng isa sa mga awitin ni Rico Blanco na “Your Universe.”
Photo Credit: trinacandaza/Instagram
Iyon nga ang unang pagkakataon, na ipina-alam ng aktor sa publiko na siya ay isa ng ama, at sila ng kanyang kasintahan si Trina ay may baby girl na ito nga ay pinangalanan nilang si Enola Mithi Aquino.
Photo Credit: trinacandaza/Instagram
“You can thank your stars all you want, but I’ll always be the lucky one – Black. Enola Mithi Aquino,” ang naging caption ni Carlo, kung saan naka-tagged pa ito sa kanyang GF na si Trina.
Photo Credit: trinacandaza/Instagram
Samantala, sa kanyang social media account naman ay nagbahagi si Trina ng kanyang mensahe para sa kasintahang aktor, kung saan ay pinasalamatan niya ito sa pag-aalaga sa kanya at sa anak niyang si Mithi.
Photo Credit: trinacandaza/Instagram
“Thank you love for taking care of me and Mithi. Hindi ko akalain na aalagaan mo kami ng ganito. Mahal ko kayo ng anak natin”, ang naging saad nga ni Trina, kung saan nilakipan niya ito ng larawan ni Carlo, na karga-karga ang kanilang si baby Mithi.
Photo Credit: trinacandaza/Instagram



Matapos nga ang naging pagbabahaging ito nina Carlo Aquion at Trina Candaza, sa naging pagdating ni baby Enola Mithi sa kanilang buhay, ay marami sa kanilang mga kaibigan at tagahanga ang nagpa-abot ng “congratulatory” message para sa kanila.
Video Credit: Carlo Aquino/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=zimL_Ku7ZMk&feature=emb_logo
Matatandaan na unang kinumpirma nina Carlo Aquino at Trina Candaza, ang kanilang relasyon noong buwan ng Oktubre taong 2019, at noong nakaraang Pebrero naman, taong kasalukuyan ay inamin ni Carlo Aquino, sa isang panayam sa kanya na masaya siya sa relasyon nila ni Trina, at tila ito na nga ang kanyang “The One.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *