Silipin Ang Ipinapagawang Private Resort Ng Aktor Na Si Gerald Anderson Sa Zambales

Ang manirahan sa isang tahanan na nasa tabi ng dalampasigan ay isa sa mga pinapangarap ng marami sa atin. Dahil sa lugar na ito, ay talaga namang masasabi natin na payapa ang kapaligiran, kung saan ay ang maririnig mo lamang ay ang huni ng mga ibon, ang hampas ng alon sa dalampasigan at ang sipol ng sariwang hangin na iyong nalalanghap.




Isa rin sa mga kaakit-akit sa ganitong lugar, ay ang tanawin na kung saan ay makikita mo ang magandang pagsikat at paglubog ng araw.

Image Credit via YouTube/Gerald Anderson

Ang mga bagay na ito ngayon ang ipinagmamalaki ng aktor na si Gerald Anderson, ito ay ng ibahagi niya sa kanyang Youtube channels ang isang video kung saan ay kinunan ng siya ay bumisita sa napakagandang probinsya ng Zambales.

Image Credit via YouTube/Gerald Anderson

Ayon sa Kapamilya actor, noon pa ay pangarap na niya ang magkaroon ng isang lupa na nasa tabi ng dalampasigan, ay ngayon nga ito ay kanya ng natupad.

Image Credit via YouTube/Gerald Anderson

Ibinahagi rin ng aktor, ang ilang detalye ng mabili niya ang lupaing kanyang pinapangarap.
Kwento ni Gerald, ng binili niya ang lupaing ito ay halos walang makikita rito kundi isang maliit na bahay lamang.

Image Credit via YouTube/Gerald Anderson

Sa kanyang video, ay unang ipinakita ni Gerald ang bahay na ipinapagawa ng kanyang ama, na kung saan sa tabi nito ay may isang maliit na hardin na tinataniman nito ng iba’t ibang gulay na nagiging sangkap sa kanyang kinakain sa tuwing nakaka-ani ito ng bunga.

Image Credit via YouTube/Gerald Anderson

Matapos ipakita ang ipinapagawang bahay ng kanyang ama, ay ipinakita rin ng aktor ang kauna-unahang ipinagawa niya sa lugar at ito ay isang basketball court. Kwento nga ng aktor, mas inuna niyang ipagawa ang basketball court upang sa tuwing pumunta siya dito ay mayroon siyang mapaglilibangan at dati nga raw ay sa tent pa siya natutulog kapag bumisita siya rito.

Sa gilid naman ng basketball court ay makikita ang ilang mga gym equipments na mula pala sa kanyang business gym. Dahil ayon sa binatang aktor ay nais niyang magpagawa ng open gym sa lugar, upang makapag work-out pa rin siya kahit siya ay nasa probinsya.

Ayon pa nga kay Gerald, noong una ay nais lamang niya itong maging isang pribadong lugar para sa kanya at kanyang pamilya, ngunit sa huli ay naisip rin ng aktor na pwede niya itong pagkakitaan at iparenta sa mga taong nais makaranas ng pagbabakasyon sa magandang lugar ng Zambales.

Makikita rin sa video ang bahay kubo, na kung saan ay tumutuloy ang ama ni Gerald habang hindi pa tapos ang pinapagawa nilang bahay. Maging ang mga cabin at kubo, na pwedeng tuluyan ng mga bisita sa kanilang pag bakasyon ay ipinasilip rin ng aktor.

Video Credit via YouTube/Gerald Anderson

May common toilet at bathroom rin na ipinatayo si Gerald sa nasabing lugar, at ang maliit na bahay na nakatayo don noon ng unan niya itong mabili ay ipina-renovate ng aktor at ginawang iang mini-bar/reception area.




Para naman sa aktor, ang pool area ang isa sa pinaka-best spot sa lugar na ito, dahil sa matatanaw mula rito ang napakagandang sunset ng Zambales na kung saan nasa tabi nito ang ipinapahiwatig glass house ng aktor na nagsisilbi umano ng bahay-bakasyunan nito kapag siya ay bumisita dito.

Makikita nga naman sa binatang aktor na si Gerald Anderson, na malayo na ang narating nito bilang isang aktor dahil sa halos lahat ng kanyang mga pinapangarap sa buhay ay unti-unti na niyang natutupad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *