Silipin Ang Ipinapatayong Mansion Ng Mag-asawang Dani Barretto At Xavi Panlilio

Sa pagpaplano na magkaroon ng isang pamilya, dapat ay kasabay rin nito ang pangarap mo na mabigyan ng maayos na tahanan at buhay ang iyong bubuoing pamilya.

Photo Credit: xavipanlilio/Instagram




Noong nakaraang taon ng magpakasal ang magkasintahan Dani Barretto at Xavi Panlilio, matapos ang kanilang pagpapakasal ilang buwan lamang ay isinilang ni Dani ang kanilang unang anak na tuluyang bumuo sa kanilang mag-asawa bilang isang pamilya.

Photo Credit: xavipanlilio/Instagram

Setyembre 13, 2019 ng isinilang ni Dani Barretto ang kanilang baby girl ni Xavi na pinangalanan nilang Camilla Marguerite a.k.a Millie. Bilang mga magulang na ay nais ng mag-asawang Dani at Xavi na mabigyan ng maayos na tahanan ang kanilang mga magiging anak, kaya naman matapos ang kanilang pagpapakasal ay sinimulan na din nila ang pagpapatayo ng kanilang magiging tahanan na animoy isang mansion sa laki.

Photo Credit: xavipanlilio/Instagram

Sa Instagram account ng 27-taong gulang na si Xavi Panillo ay ibinahagi nito ang larawan ng kanilang ginagawa ng bahay ng asawa niyang si Dani Barretto. sa larawan ay makikita na ang tahanang ipinatayo ng mag-asawa ay may tatlong palapag at maraming silid.
Kalakip ng larawan ay may caption na “Getting there…”, ang nilagay ni Xavi.

Photo Credit: xavipanlilio/Instagram

Matatandaan na noong nakaraang taon , buwan ng Oktubre ng unang ibihagi sa publiko ang larawan ginagawang bahay nina Xavi at Dani na noo’y isang palapag pa lamang ang ginagawa na kung saan ay may caption na “One floor down, 2 more to go.’

Photo Credit: xavipanlilio/Instagram

Ngayon nga ay nasa tatlong buwan na ang nakalilipas mula ng simulan ang pagtatayo ng kanilang bahay, at unti-unti ng natatapos ang kabuuan ng tatlong palapag na tahanan ng mag-asawang Dani at Xavi.

Photo Credit: xavipanlilio/Instagram

Sa naging pagdiriwang namang ng kaarawan ni Xavi noong Disyembre 18 noong nakaraang taon ay ibinahagi nito na ang kanilang bahay na ipinagawa ang isa sa pinakamalaking pangarap niya na kanya ng natutupad.

Nagbahagi din si Xavi ng kanyang pasasalamat sa lahat ng biyayang kanyang natatanggap, lalo na ang naging pagpapakasal niya sa kanyang asawa at ang pagdating ng munting anghel sa kanilang buhay.

“Thankful for all the blessings that I received when I was 26. I moved out, married the love of my life, the light of my life was born, I produced a couple of songs for some artists who I deeply admired, the construction of our house is more than halfway done, and I finally gotten the peace of mind I have always wanted.

“The world worked to my favor to blessed me with all these things and I’m glad to share all these milestones with my family. “ ‘Thank you to all who showed me love for all of those who remembered you are all appreciated [red heart emoji] Here’s to 27!




May 2019 matapos ang kasal nina Xavi at Dani sa Santuario San Antonio Parish sa Makati City at ng anunsyo nila ang pagdadalang-tao ni Dani ay agad sinimulan ng mag-asawa ang konstruksyon ng kanilang bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *