Silipin Ang Isang Romantic Wedding Proposal Ng Dating Aktres Na Si Bettina Carlos

Nito lamang araw ng Martes, Ika-7 ng Oktubre 2020, ay engaged na nga ang dating aktres-TV host na si Bettina Carlos sa non-showbiz boyfriend nitong si Mikki Eduardo, at ito nga ay kinumpirma ng anak ni Bettina na si Gummy.



Ibinahagi ni Gummy sa kanyang Instagram account ang isa sa pinaka-espesyal na pangyayari sa buhay ng kanyang ina, at ito nga ay ang ma-engaged sa taong minamahal nito ngayon.
Isang larawan ni Bettina ang ibinahagi ni Gummy sa kanyang IG account, kung saan ay makikita na ang dating aktres ay may suot na engagement diamond ring.
Kalakip nga ng larawan ni Bettina ay ang caption ni Gummy na;
“My mommy is engaged woohoo.”
Samantala, sa IG account naman ni Bettina, ay nagbahagi ito ng isang larawan, kung saan ay kasama niya ang kanyang anak na si Gummy at ang kanyang boyfriend at fiancée ng si Mikki.
Naging makahulugan naman ang naging caption ni Bettina sa kanyang Instagram post, dahil sa inilagay niya sa caption ang emoji ng pamilya, puso at kamay na nananalangin.
Maging ang boyfriend nito at future husband na si Mikki ay nagbahagi rin ng mga larawan na kuha sa naging romantic wedding proposal niya sa dating aktres, kung saan ay tanging emoji na puso lamang ang kanyang kalakip ng caption sa mga larawan.
Makikita nga sa larawan na ibinahagi ni Mikki na hawak-hawak nito ang kamay niBettina , kung saan niya isinulat ang engagement ring na handog niya para sa nobya.
Marami naman sa mga kaibigan ni Bettina sa industriya ng showbiz ang naging masaya para sa dating aktres, at nagbigay ng kani-kanilang congratulatory message.
“Congratulations Betina!!! In God’s perfect time!”, ang naging pagbati ni Pauleen Luna.
“Super Blooming! Happy for you! God is truly amazing!”, saad naman ni Danica Sotto.
“Congratulations Bettina! I am so very happy for all of you”, ang naging komento naman ni Cheska Garcia-Kramer.
“THIS IS IT!” mula naman sa kaibigan nitong si Nikki Valdez.
Para nga sa dating aktres na si Bettina Carlos, ang kanyang nobyo at fiancée na ngayon na si Mikki, ang lalaking naging sagot sa kanyang dalangin.
“For years I have prayed to the Lord for a man is already who he should be, yung Okay na. Ayos na. Wala na akong babaguhin.”
“And God gave us you, @mikki.e.eduardo… You are perfect FOR US, my love. You are my answered prayer. A blessing from the Lord. I thank God for every time i remember you”,



ito nga ang saad noon ng aktres sa isa niyang naging Instagram post, kung saan ay nagbahagi rin siya ng mga larawan ni Mikki na masayang nakikibonding sa kanyang anak na si Gummy.

 

View this post on Instagram

 

#BeKki THE PROPOSAL 💍 Now up on #ABlessingChannelbyABC ! 😍😍😍 Link on bio!!!!❤❤❤

A post shared by Bettinna Carlos (@abettinnacarlos) on

Sa ngayon ay hindi na aktibo pa si Bettina Carlos sa showbiz at base sa kanyang mga Instagram post ay abala na lamang ito sa kanyang writing career at pag-aasikaso ng kanyang Pastry Business. Matatandaan naman na huling napanood sa telebisyon si Bettina ay noon pang taong 2016, ng mapabilang siya sa mga cast ng serye ng GMA na “Sa Piling ni Nanay.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *