SIlipin Ang Isang Surprise At Home Date Na Inihanda Ni Aljur Abrenica Para Kay Kylie Padilla

Hindi nga lamang isang butihing at responsableng asawa ang nakikita natin ngayon sa aktor na si Aljur Abrenica para sa kanyang asawang si Kylie. Dahil maliban sa mga ito, ay talaga namang napaka mapagmahal at napaka-sweet ng aktor.



Sa katunayan, kahit pa nga sa mga simpleng bagay at araw ay nagawa niyang surpresahin at pakiligin si Kylie Padilla.
Photo Credit: ajabrenica/Instagram
Nitong nakaraan nga lamang ay talagang kinilig ang aktres sa si Kylie Padilla, dahil sa isang hindi niya inaasahang sorpresa na inihanda ng kanyang asawang si Aljur at mga kaibigan nito para sa kanya.
Photo Credit: ajabrenica/Instagram
Sa kanyang Instagram account ay masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Kylie Padilla ang mga larawan na kuha sa inihandang simple ngunit napaka-meaningful na date na naganap sa kanilang tahanan.
Photo Credit: ajabrenica/Instagram
Kalakip nga ng mga larawan ay ang caption ni Kylie na; “I had no idea what kind of day I would wake up to today. And this is what kind of day I had. Thank you mahal Aljur Abrenica, and to my girls.”
Photo Credit: ajabrenica/Instagram
Maliban nga sa napakagandang set-up ng date at-home na inihanda ni Aljur at mga kaibigan nito para sa aktres, ay nakatanggap rin si Kylie ng kumpol ng mga bulaklak mula sa kanyang asawa at syempre masarap na dinner ang kanilang pinagsaluhan sa kanilang date at-home.
Photo Credit: ajabrenica/Instagram
Marami naman ang mga netizens at mga tagasuporta ng mag-asawa ang talagang kinilig ng makita ang post na ito ni Kylie Padilla, at ang iba pa nga sa kanila ay nagbigay ng kanilang mga reaksyon ukol dito.
Photo Credit: ajabrenica/Instagram
Loading…. “Sweet couple” “Sana all” “sweet naman po” “sweet parang sugar” “sana all may aljur” “ Reyna amihan” “eyy that so sweet of you sana all” Maging ang beterano ng aktres na si Maritoni Fernandez ay kinikilig rin, at nagbigay ng kanyang mensahe para sa dalawa.
“Awww… this made me smile. Good job my @ajabrenica I love you both and miss you both so much. Stay happy, keep the flame strong, and stay healthy!”



Samantala, makikita naman sa mga previous post ni Kylie sa kanyang Instagram, na sa ngayon kung saan ay wala siyang masyadong proyekto na ginagawa sa telebisyon dahil sa pagkakaroon ng pandemic Covid-19.
Ay abala pa rin siya na magkaroon ng income kahit nasa loob lamang ng kanilang tahanan sa pamamagitan ng pagma-manage ng kanyang mga negosyo tulad ng beauty and bath essential Avaluna by Kylie, READ THE SHIRT MNL, at My Little Ukay Ukay. Maliban pa nga sa pagma-manage ng kanyang mga negosyo, ay pinagkakaabalahan rin ng celebrity mom ngayon ang paggawa ng content para sa kanyang Youtube channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *