Silipin Ang “Jungle Themed House” Ng Mag-Asawang Aubrey Miles At Troy Montero

Aubrey Miles kilala sa isa sa pinakasikat na sexy star noong 90’s, sino nga ba naman ang hindi mapapa WOW! Sa kaseksihan ng isang Aubrey Miles. Na kahit ngayong siya ay isa ng Ina ay hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging conscious sa kanyang katawan.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram




Ngunit sinong mag aakala na ngayon maliban sa pagiging may-bahay ni Troy Montero at Ina ng kanilang mga anak, ay kinahihiligan at minahal naman ni Aubrey ang pag aalaga ng mga bulaklak at iba’t ibang klase ng halaman sa kanilang tahanan.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

Ayon kay Aubrey, 5:30 am ay gumising na siya para magdilig, mag spray, magpunas at kumuha ng mga insekto sa halaman. Isa na ito sa mga nakasanayan niyang gawin pagkagising at bago pumunta sa gym.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

Para sa kanya ang mga ito ay nakakapag parelax sa rin sa kanya. Noong August 2017, sa isang PEP interview ay nabanggit nga ni Aubrey na meron na siyang 45 na halaman sa kanilang tahanan, inaalagaan niya ang mga ito na parang katulad din sa pag aalaga niya sa kanyang mga anak.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

Sabi nga niya “You take care of them, you wipe them, and then they respond to your caring.”At para sa kanya ay isa iyon sa nagpapasaya sa kanya, na para siyang nag aalaga ng 45 na bata.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

At tuwang tuwa siya tuwing may makikita siya na bagong dahong umusbong sa kanyang mga tanim na halaman. Sa Instagram post ni Aubrey, ay tinawag niya ang sarili niyang “Botanical Woman”, at ipinakita sa mga larawan nila kung bakit dahil sa mala berdeng mga tanim na nakapalibot sa kanya.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

Sa bawat larawan, ay makikita na sa bawat sulok ng kanilang tahanan ay may mga halaman si Aubrey. Ang kanilang mga silid ay mayroon ding mga halaman na nagbibigay dito ng maaliwalas na pakiramdam.

 

Kahit sa kusina nila ay may makikita kang mga halaman na napakaganda tignan, sa labas naman ng kanilang tahanan ay makikita mo ang iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak na inaalagaan ni Aubrey na nagbibigay sa kanya ng magaan na pakiramdam.




Sa larawan ni Aubrey ay makikita ang saya, at talagang nag eenjoy siya sa pag aalaga ng kanyang mga halaman at bulaklak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *