Silipin Ang Kakaiba At Nakakarelax Na Sinehan Sa Switzerland

Hindi natin maipagkakaila na mahilig talagang manuod ng sine ang mga Pilipino. Lalo na ngayon at mas maganda na ang effects ng mga pelikula, hindi magkamayaw ang mga Pilipino sa pagpila sa mga sinehan upang mapaunlad ang kanilang mga paboritong pelikula. Tuwing ipinagdiwang ang Metro Manila Film Festival, sandamakmak na mga manonood ang pumupunta sa mga sinehan. Pero syempre, maliban sa mga pelikula, kinakailangan ring maayos ang akomodasyon ng mga sinehan.




Sa Pilipinas, tila maayos na ang serbisyo ng mga sinehan. Bagama’t medyo napag-iiwanan na tayo pagdating sa inobasyon ng mga sinehan kumpara sa ibang bansa, hindi natin maipagkakaila na malaki na rin ang pinagbago ng ating mga sinehan kumpara dati. Sa ngayon, ang ating mga sinehan ay may maayos na na mga upuan at ang iba pa nga ay di-pindot kung sakaling gustuhin mong magkaroon ng mas komportableng posisyon.

Ganito rin ang eksena sa bansang Switzerland kung maliban sa pelikula ay dinarayo rin dito ang kakaibang serbisyo ng kanilang sinehan. Ayon sa Pathe Schweiz na isa sa mga pinakasikat na sinehan sa Switzerland, binuksan niya ang Cinema Pathe para magkaroon ang mga manonood ng “ultimate cinema comfort.” Layon ng sinehang ito na maging maayos ang panonood ng kanilang mga customers. Mayo 9 ngayong taon nang buksan nila ang naturang sinehan.

Alok ng sinehan ang hindi malilimutang karanasan ng mga manonood. Sa loob ng kanilang VIP Room ay mayroong double-beds na kasya ang dalawang tao. Kumpleto ito ng unan at ng kumot para sa mga manonood. May mga tsinelas ring nakahanda para sa mga bisita. Maliban dito, para rin itong kama nang katulad nang sa iyong sa bahay dahil mayroon itong lamesita sa gilid na pwede mong paglagyan ng iyong damit at mga pagkain. Pwede mo ring i-adjust ang headrests nang naaayon sa iyong gusto.

Pero huwag kang mag-alala, ang mga unan at kumot ay palagi nalang pinalitan sa tuwing pagkatapos ng pelikula. Bagama’t elegante, ang katumbas nito ay napakalaking halaga. Ang mga nagnanais na makaranas ng ganitong serbisyo ay kailangan magbayad ng 49 francs o mahigit P2,500.

May mga pambata namang sinehan na inaalok ng Cinema Pathe. Dito, matatagpuan ang isang ball pit at nakakatawang mga upuan para makapag-enjoy ang mga bata habang nanunuod. Nakakatuwa na umuunlad na nga ang serbisyo na inaalok sa atin. Bagama’t may kamahalan, hindi naman siguro masama ang sundin ang ating luho paminsan-minsan, ‘diba?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *