Silipin Ang Kakaibang Galing Ng Prenup Photo Shoot Ng Mag-Asawang Ito

Pangarap ng bawat isa sa atin ay ang maikasal sa taong ating pinakamamahal. Masaya nga rin naman talaga ang makasama mo ang taong iyong pinakamamahal sa hanggang sa iyong pagtanda. Siya ang magiging kasama mo sa pagtupad niyo ng iyong pangarap at sa pagbuo ng bagong pamilya.

At para mabigyan bisa ang inyong pagsasama, tumungo kayo sa simbahan upang magpahayag ng inyong pagmamahal sa harap ng batas at sa mata ng Diyos. Minsan lamang mangyari ito sa tanang buhay natin kung kaya’t ibang klase ng paghahanda ang ating ginagawa.

Photo Credit: Google




Sa pagbabago ng modernong teknolohiya ng ating panahon, marami nang mga nauusong tema ng kasal. Umunlad na rin ang kakayahan ng mga tao kung kaya’t mas naging maganda na ang tema ng mga kasal ngayon. Nauso na rin ang mga kakaibang prenup shoots kung para sa mga ikakasal lalo pa’t napaka makapangyarihan ng social media.

Nagkalat na sa social media ang mga kakaibang prenup shoot ng mga ikakasal ngayon. Mas lalong naging in-demand na rin ang mga photographer dahil sa paglago ng teknolohiya ng ating mundo.

Photo Credit: Google
Photo Credit: Google

Katulad na lamang ng magkasintahan ito na nag-viral sa social media ang prenup shoots nila. Naging usap-usapan at nag trending sa social media ang mga litrato na hango sa prenup shoot nina Bjorn at Cat.

Sa tulong nina Edi at Mherl Angelie Cortez bilang kanilang mga photographers, nabigyan nila ng hustisya ang pangarap na prenup shoot nina Bjorn at Cat. Suot ni Cat ang puting wedding gown habang suot naman ni Bjorn ang kaniyang tuxedo.

Photo Credit: Google
Photo Credit: Google

Napili nilang setting ng kanilang prenup shoot ay ang kalye ng Cubao, Quezon City. Ibinida nila ang buhay sa kalye habang nakasuot ng kanilang kasuotang pangkasal. Makikita sa isang litrato kung saan kumakain ang dalawa sa tusok-tusok. Iba rin ang dating ng kanilang litrato sa ilalim ng overpass habang may dumadaan mga asong kalye.

Nakakatuwa rin ang kanilang litrato nilang dalawa kung saan tila nasiraan ang kanilang sasakyan sa gitna ng kalye. May mga litrato rin sila na may kasamang taho, sa loob ng jeepney, at sa construction site. Isa itong simpleng paraan ng pagpapakita sa masa ang normal na gawain ng isang busy na kalye.

Photo Credit: Google




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *