Silipin Ang Kapuso Actress Na Si Sheena Halili At Soon-To-Be A Mommy Na

Sa buhay mag-asawa, isa sa pinakamalaking biyaya ay ang pagkakaroon ng mga anak na nagsisilbing center of happiness ng kanilang pamilya. At para naman sa isang babae, ang pagiging isang ina ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa kanilang buhay.




Ganito nga ngayon ang nadarama ng Kapuso actress na si Sheena Halili at ng kanyang non-showbiz na asawa na si Jeron Manzanero, ito ay matapos nilang matanggap ang isa sa pinakamalaking biyaya sa buhay nilang mag-asawa.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Matatandaan nga na ang kasal nina Sheena at Jeron na ginanap noong February 23, ng taong ito ay isa sa pinakapinag-usapang kasal sa social media dahil sa ganda ng kanilang naging wedding ceremony.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Ngayon naman ay muling usap-usapan ang mag-asawa sa social media,at ito ay matapos nga nilang masayang ibinalita sa publiko ang pagdadalang-tao ni Sheena, nito lamang nakaraang June 13.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Sa kanyang Instagram account ay masayang ibinahagi ng Kapuso actress ang isang biyayang natanggap nilang mag-asawa, na talaga namang nagbibigay kulay sa kanilang binubuo ng pamilya. “And now we’re three! #thirteen weeks”

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Ngayon nga ay thirteen weeks pregnant na ang aktres, at marami sa kanyang mga kaibigan sa industriya at mga tagahanga ang talaga namang natuwa sa balitang ito.
Ilan ngang mga kaibigan sa industriya ang nagpa-abot ng kanilang masayang pagbati para sa bagong blessings na nadagdag sa pamilya nina Sheena at Jeron.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

“Ayun na…nareveal na din…congratulations ahak!,” naging pagbati ni Marian Rivera.
“Wow! congrats twinnie! Luv u! @mysheenahalili”, mula naman sa kaibigan ni Sheena na si Kitkat.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

“Waaaahhhh! Lockdown Baby! I’m so happy for you guyzzz! Wooohoooo! Congratch ng Bongga, mga inaanak!!! @mysheenahalili @jermanzareno lookey pappu @juliusbabao!”, mula naman kay Christine Ibabao.

“Ateee…. Congratulations! excited for you and kuya Ge”, mula naman kay Denise Barbacena.
Samantala, hindi naman nagpahuli sa pag-anunsyo ng masayang balitang ito, ang asawa ni Sheena na si Jeron. Dahil sa kanyang Instagram ay nag-post ito ng isang caption na tila intro ng hit series na “How I Met Your Mother”.




Isa na naman sa nakakaantig na linya sa post ni Jeron ay ang; “Best of times, well, because God gave us You! [baby emoji].”“As early as now, you already mean the world to me!”

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Makikita nga naman sa mga ibinahagi ng larawan at mensahe ng mag-asawang Sheena at Jeron, ang kanilang lubos na kaligayahan dahil sa pagdating ng biyayang ito sa kanilang buhay. Congratulations sa soon-to-be-mommy and daddy!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *