Silipin Ang Kasal Ng Dating PBB Housemate Na Kapatid Ni Dimples Romana

Sa Instagram ng aktres at “Kadenang Ginto” star na si Dimples Romana, ay ibinahagi nito ang kanyang naging pag-congratulate sa kapatid na si Bam Romana, dahil sa ito’y ikinasal na sa kasintahan nitong si Kriselle Villanueva.




Matatandaan na ang kapatid ni Dimples Romana, na si Bam Romana ay isa sa mga naging housemate noon ng Bahay ni Kuya, o Pinoy Big brother House, kung saan ay napabilang siya sa Teen Edition 1, noong taong 2016.

Si Bam at ang kanyang kasintahan na si Kriselle, ay na-engaged noong sila ay magtungo sa Thailand noong buwan ng Agosto taong 2019. Samantala sa Instagram account ng ani Dimples, ay makikita ang naging pagbati nito sa kapatid na si Bam, at sa bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Kriselle Villanueva, na ngayon ay kanya ng sister-in-law.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

“Papa Bong in heaven would be so happy to see you, happy @bamromana. Please join me in congratulating my baby brother Bam! He just got married to the woman of his dreams! Sa araw-araw bilang ate mo,

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

bata pa lamang tayo nagdadasal na ako na sana makahanap ka ng mamahalin at magmamahal sayo kagaya ng pagmamahal ko at pagmamahal sa akin ni kuya @boyetahmee mo”, saad nga ni Dimple.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ayon nga sa naging panimulang mensahe ni Dimples, para sa kapatid, ay kanyang nabanggit na bata pa lamang sila, ay hiniling na niya sa Diyos, na matagpuan nito ang taong tunay na magmamahal rito, at mamahalin din nito.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Nabanggit rin ni Dimpe, na masaya marahil ang kanilang ama kung nasaan man ito ngayon, dahil sa nakikita nito, na masaya si Bam sa kanyang pagpapakasal sa babaeng kanyang minamahal at pinapangarap.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

“The Lord is good. He did not only bless you with a woman so beautiful inside and out, He also blessed you with daughter who is just as beautiful. Welcome to the family @krisellevillanueva, and @anishavillanueva mahal na mahal naming kayo at ang buong pamilya niyo.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram




Bam my prayer warrior, I have no doubt in my mind that you’ll be the best husband to ineng and the best father to Naynay’, dagdag pa nga ng aktres.

Ibinahagi rin ni Dimples, na buong-buo ang pagtanggap at pagmamahal ng kanilang pamilya sa asawa na ngayon ng kanyang kapatid na si Kriselle Ann, at sa anak nito na si Anisha.
Ayon pa sa aktres, ay alam niya, na ang kanyang kapatid na si Bam, ay magiging isang mabuting asawa kay Kriselle, ay responsable at mapagmahal na ama rin sa anak nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *