Silipin Ang Kasal Ng Isang Siargao Surfer Sa Isang Napakagandang Australian Girlfriend

Ang Isla ng Siargao, ay isa sa maituturing na pinaka-relaxing na lugar dito sa Pilipinas dahil sa ganda ng dalampasigan dito. Ilang mga hindi inaasahang pangyayari na rin sa buhay ng isang tao ang nangyari sa isla ng ito, na kung saan ay marami sa kanila ang natagpuan sa isla ang kasiyahan na hinahanap nila sa kanilang mga buhay.




Tulad nga ng pagmamahal, ay masasabi natin ang Isla ng Siargao ay isang lugar kung saan ay tila nahuhulog ang iyong damdamin.

Image Credit via Google

Ilan sa katangian ng napakagandang tanawin ng islang ito ay ang, asul na tubig dagat, mga alon na malakas na humahampas sa dalampasigan, at malalago na luntiang punong-kahoy na talaga namang nagbibigay ng kapayapaan sa damdamin ng isang tao na pinapasyalan sa isla ng ito.

Image Credit via Google

Marami ang dumarayo sa Isla ng Siargao, dahil sa kilala ang isla bilang isa sa mga best spot kung nais mo matuto mag-surfing at marami rin ang mga surfer na dumarayo dito.

Image Credit via Google

Ngunit maliban nga sa mga surfing experience ng ilang mga bumisita dito, ay may ilang mga tao rin ang nakatagpo sa Isla Ng ito ng pagmamahal na hinahanap nila. Tulad na lamang ng isang inspiring love story na ating ibabahagi ngayon.

Image Credit via Google

Naging usap-usapan nga sa social media nitong nakaraan lamang ang number one surfer ng Siargao na si John Mark Tokong o mas kilala bilang si Marama Tokong, matapos nitong ikasal sa kanyang long-term Australian girlfriend na si Danni Hughes.

Image Credit via Google

Sa Instagram post ng dalawa, ay makikita ang kasal ng magkasintahan na isang garden wedding, at dito ay kasama nila ang kanilang anak na si Olive.

Mainit ngang pinag-usan online ang kasalang ito ng magkasintahan, dahil sa pagkakaroon ng diskriminasyon ng ibang taong mapanuri na tungkol sa pinag ka-iba ng kulay, kutis, itsura at estado sa buhay ng dalawa.

Magkaganoon man, ay binalewala ito ng magkasintahan at pinatunayan nilang dalawa na hindi basehan ang panlabas na kaanyuan o estado ng pamumuhay para sa pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Sa kabila ng maraming matang mapanuri, ay mas naging matibay pa ang relasyon ng magkasintahan lalo pa nga ng dumating sa buhay nila ang kanilang anak na babae na tila isang anghel.

Bilang isa sa nangungunang surfer ng Isla ng Siargao, ay patuloy na pinapatunayan ni John Mark ang kanyang talento at galing sa surfing at ang kanyang asawa naman ay buo lagi ang suporta sa kanya at sa lahat ng laban na sinasalihan niya.




Maituturing rin si John Mark na isa sa mga boses ng Siargao, dahil sa kanyang walang humpay na nagpapakita ng kanyang galing ay patuloy din ang pagkilala sa nasabing Isla ng iba’t ibang bayan man o bansa.

Ang Isla ng Siargao, ay kilala rin bilang isang mahiwagang lugar na nagbibigay kapayapaan sa isang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *