Silipin Ang Kasalang Ng Kapuso Actor Dion Ignacio Sa Kanyang Non-Showbiz Fiancee

Matapos ang ilang buwang paghihintay at naging preparasyon ay masaya na ngang ibinahagi ng aktor na si Dion Ignacio, na naka-isang dibdib na niya ang kanyang non-showbiz fiancée na si Aileen Sinon at ang kanila ngang pagsasama at pagmamahalan ay nabasbasan na ng Panginoon.




Matatandaan na Enero ng taong ito, ng lumabas sa social media ang isang masayang balita ukol sa relasyon ng magkasintahan. At ito nga ay ang pagiging engaged na nila sa isa’t isa.

Photo Credit: dion_Ignacio/Instagram

Base sa mga naging ulat, sina Dion at kanyang fiancée na si Aileen ay ikinasal sa Viridis Countryside Garden sa Cavite, at ito nga ay dinaluhan lamang ng kanilang mga kapamilya at piling malalapit na kaibigan.

Photo Credit: dion_ignacio/Instagram

Sa IG naman ng aktor , ay makikita ang mga larawan nila na kuha sa naging pictorial shoot nila, at ito nga ay kinunan ng mahusay at sikat na photo company na Nice Print Photo noong ika-31 ng Marso.

Photo Credit: dion_ignacio/Instagram

Kalakip naman ng mga naturang larawan, ay ang caption ni Dion na nagpapahiwatig kung gaano siya kasaya ngayon na siya ay kasal na. “Officially married!!! Sa teleserye ko lang nagagawa to ngayon totoo na! At ngayon ay nagsasama na kami ng tamas a mata ng Diyos.”

Photo Credit: dion_ignacio/Instagram

Dagdag pa nga na saad ni Dion,” Can’t explain how happy I am right now. Sobrang saya na may basbas na ni Lord ang aming samahan bilang mag-asawa. May he strengthen our relationship and grow forever in faith and love.”

Photo Credit: dion_ignacio/Instagram

Maliban dito, ay nagpasalamat din ang aktor sa lahat ng taong sumuporta at tumulong na maisakatuparan ang kanilang kasal. “Nagpapasalamat din ako sa mga taong sumuporta sa kasal namin and for making our dream wedding come to life”.

Bumuhos naman ang pagbati para sa bagong kasalm at marami nga sa mga ito ay mga personalidad sa showbiz, kagaya na lamang ng mga nakasama ni Dion sa StarStruck na sina Mark Herras, Sheena Halili at Jade Lopez. Nagpa-abot rin ng pagbati sina Tom Rodriguez, Rodjun Cruz, Rita Avila at Chynna Ortaleza.




Si Dion Ignacio ay ang-umpisa ng kanyang karera sa showbiz ng sumali siya sa StarStruck, samantala ang kanya ngang asawa na ngayon na si Aileen ay isang dating flight attendant na ngayon ay business owner na. Bago pa man sila ikasal, ay nagkaroon na sila ng anak, at ito nga ay si Dylanne Jailee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *