Silipin Ang Larawan Ni Kristine Hermosa At Ng Anak Nito Na Kuha Habang Sila Ay Naglalaba

Muling nagbigay ng positive at good vibes ang napakagandang aktres na si Kristine Hermosa sa kanyang mga tagahanga at maging sa mga netizens.



Ito ay matapos magbahagi ng aktres ng kanyang larawan sa kanyang social media account, kung saan ay isang gawaing bahay ang kaniyang ginagawa kasama ang isa sa kanyang mga anak.
Photo Credit: khsotto/Instagram
Sa kanya ngang Instagram account, noong June 3, ay nagbahagi si Kristine ng larawan nila ng kanyang anak na si Kaleb Hans, na kuha habang silang mag-ina ay naglalaba ng mga unan.
Photo Credit: khsotto/Instagram
Ayon sa aktres, ang gawaing bahay na ito ay isa sa maituturing niyang bonding moment nila ng kanyang anak. “My quarantine life…thank you Lord for the strength, grace and determination…and thank you to this mighty helper of mine by Ate Dre.”
Photo Credit: khsotto/Instagram
Ang naging caption ng aktres sa larawan na kanyang ibinahagi. Naging usap-usapan ang larawan na ito ni Kristine sa online world, na kung saan ay mga positibong komento ang naging reaksyon ng maraming mga netizens.
Photo Credit: khsotto/Instagram
Makikita nga rin sa larawan ng dating aktres ang tila hindi nagbabagong ganda nito na, at kahit simple ang pananamit nito ay kitang-kita kung gaano ito kablooming ngayon. Umani rin ng maraming papuri sa mga netizens, ang aktres dahil kahit apat na ang kanyang mga anak ay hindi ito mahahalata dahil mukha pa rin itong fresh – young looking.
Photo Credit: khsotto/Instagram
Narito nga ang ilan sa mga mababasang komento ng mga netizens na makikita sa comment section ng larawan ni Kristine; “Sana all ganito kaganda pagnaglalaba. Hi, Kristine.” “Putr3s, bakit ganyang kaganda maglaba??? Bakit???? Bawal to!!!
Photo Credit: khsotto/Instagram
Dahil nga sa larawang ito ng aktres na nagpapakita kung gaano pa rin siya kaganda sa kabila ng kanyang pagiging isang asawa at ina ng kanyang apat na anak ay marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang sikreto sa pagpapaganda ng isnag Kristine Hermosa?



Simple nga lamang ang pag-maintain ng ganda ng aktres, dahil maliban sa pagiging masaya ay hindi pinapabayaan ni Kristine ang kanyang kutis. Gumagamit rin ang aktres ng organic products para alagaan ang kanyang kutis, at sa tuwing siya ay lalabas ay hindi kinakalimutan ng aktres na lagyan ng sunscreen protection ang kanyang balat.
Ang napakagandang aktres na si Kristine Hermosa, ay siyam na taon ng kasal sa aktor na si Oyo Boy Sotto at sila ay may apat ng anak. Ang una nilang anak ay ang kanilang adopted son na si Kiel, at ang tatlo nilang biological na mga anak na sina Ondrea, Kaleb at Valentine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *