Silipin Ang Lawak Ng Bahay Ng Mag-Asawang Carmina Villaroel At Zoren Legaspi Sa Pasig City

Kamakailan lamang ay ipinasilip ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ang kanilang napakagandang tahanan sa Pasig City.




Alam naman nating lahat na ang pamilya nina Zoren at Carmina ang isa sa mga showbiz family na kabi-kabila ang mga endorsement kasama ang kanilang kambal na anak, kaya naman talagang kakayanin ng kanilang pamilya ang makakapag pagawa ng isang malaki at magandang bahay.

Image Credit via Google

Sa isang panayam YES! Magazine kay Zoren noon, ay sinabi ng aktor na ang nais talaga nilang mag-asawa sa kanilang magiging tahanan ay ang magkaroon ito ng “Jolly Nature” na tulad ng kanilang anak na kambal na si Mavy at Cassy.

Image Credit via Google

Bilang mga magulang ng kambal ay napanatili nina Carmina at Zoren ang maayos na komunikasyon sa kanilang mga anak, itinuturing nila itong mga kaibigan pero sinisigurado din naman nila na mananatili ang respeto ng mga ito sa kanila bilang mga magulang.

Image Credit via Google

Ayon pa nga kay Zoren, hindi maituturing na tahanan ang isang tahanan kung hindi maayos ang samahan ng mga taong nakatira rito. At mas lalo pa nga na maituturing itong magandang tahanan dahil sa ang nag-aayos nito ay ang kanyang asawa na si Carmina, dahil isa ito sa mga hilig gawin ng kanyang asawa.

Image Credit via Google

Sa receiving area pa lang ay napakaganda at aliwalas na, dahil sa neutral na colored setting pieces dito tulad ng hammock sofa na makikita rito.

Image Credit via Google

Kulay orange at gray naman ang makikitang mga kulay sa bahaging Den ng tahanan na ito ng pamilya. Makikita rin sa Den ang isang entertainment system, at dahil sa makintab ang mga kulay na nakapalibot dito ay perpekto ito sa movie time at family bonding ng pamilya.

Image Credit via Google

Magkahiwalay na naman ng silid ang kambal, ang silid-tulugan ni Mavy ay tipikal na silid na para sa isang binata dahil sa kombinasyon ng kulay na makikita rito na berde at dilaw. “Typical Girls room’ naman ang silid ni Cassie, dahil sa pink at yello na kulay ang makikita rito.




Ang master’s bedroom naman na silid ng mag-asawang Zoren at Carmina ay napaka luwang, na kung saan ay mayroon ditong king-sized bed at napakalaking TV. Matingkad na naman ang piniling kulay ng mag-asawa para sa sahig ng kanilang kwarto.

Image Credit via Google

Napakaganda at lawak rin ng hardin ng tahanan na ito ni Carmina at Zoren. Madalas nga na dito kumakain ng almusal ang kanilang pamilya dahil sa maaliwalas at nakakaganda ng tanawin nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *