Silipin Ang Sikretong Liham Na Pamana Ng Kanilang Ina Na Umantig Sa Puso Ng Mga Netizens

Wala nga namang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina, para sa kanyang mga anak. Dahil ang mga anak, para sa mga ina, ay karugtong na ng kanilang buhay.
Isa nga sa pinaka-wagas at dakilang pagmamahal dito sa mundo, ay ang pagmamahal ng isang ina, at ito nga ay ilang beses na nating napatunayan.



Kamakailan nga lamang, ay umantig sa puso ng mga netizens ang isang nakakamanghang kwento ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak.
Image Credit via Google
Ito ay dahil sa pinatunayan nito kung gaano nga ba kawagas ang pagmamahal ng isang ina, dahil sa wala itong ibang hiling kundi ang magkaroon ng mabuti at maayos na buhay ang kanyang mga anak.
Image Credit via Google
Umantig sa puso ng mga netizens sa social, ang kwento ng isang binatang nagngangalang Tim Salong, kung saan ay ibinahagi nito ang hindi nila inaasahang pagtuklas sa tinatagong pamana ng kanilang yumaong ina, para sa kanilang magkakapatid.
Image Credit via Google
Sa Facebook account nga ni Tim, ay ibinahagi niya kung paano nila hindi inaasahang matuklasan ang mga itinago-tagong pamana ng kanyang yumaong ina.
Image Credit via Google
Base nga sa naging Facebook post ni Tim, ang hindi nila sinasadyang pagkatuklas sa pamana sa lihim na pamana ng kanyang yumaong ina, ay nangyari noong ipinagdiriwang nila ng kaarawan nito. Sa naging pagdiriwang nga ng kaarawan nito ay naisip nila muling tingnan ang mga lumang larawan nila kasama ang kanilang ina upang magbalik tanaw sa masayang sandali na ito ay kapiling at kasama pa nila.
Image Credit via Google
At dumating nga umano sila sa punto na maisipan nilang hingiin sa kanilang Tiyahin ang mga lumang gamit ng kanyang ina, nakatago pa. Sa naging paghahalungkat nga ng kanyang tiyahin sa mga lumang gamit ng kanilang ina, ay napansin nito ang isang putting polo ng kanilang ina, na nakatago sa pagitan ng dalawa pang lumang damit nito.
Image Credit via Google
Ipinagtaka nga nila kung bakit, nakatago ang puting polo sa pagitan ng iba pang damit. At dahil sa kanilang pagtataka ay kinuha nila ang puting polo at ito ngay kanilang tiningnan.
Image Credit via Google
Sa hindi nga nila inaasahan, ay mayroon silang nakita na liham ng kanyang yumaong ina sa loob ng bulsa nito, at kalakip pa nga ng liham ay ang mga pamana para sa kanila ng kanyang ina, na matagal na nitong itinago.
Narito nga ang mababasa sa nasabing liham na nakita nina Tim sa bulsa ng puting polo ng kanilang y*maong ina.
“Para sa pag-aaral nila Tim, Hazel, Herica ang pera na ito. Gagamitin nila ito sa pang negosyo at paramihin nila ang konting pamana kong ito sa kanila at may 3 singsing at 3 pares ng hikaw. Paunlarin niyo ang munting pamana ko sa inyo. Salamat mga anak ko, Mama.”
Kalakip nga ng liham na ito ay 3 singsing, 3 pares ng hikaw at salapi na nagkakahalaga ng limang-libong piso, kung saan ito ay para kay Tim at sa kanyang mga kapatid.
Hindi pa nga dito nagtatapos ang pamana ng kanyang ina, dahil sa likod ng papel ng nasabing liham, ay mayroon pang isang liham na isinulat ang kanilang yumaong ina.
Batay nga sa nakasulat sa likurang bahagi ng liham, ay mayroon pang itinago na pamana para sa kanila ang kanyang ina, at ito nga ay matatagpuan sa ilalim ng makinang pangtahi nito. Ito ay agad namang sinilip nina Tim, at sila nga ay mas lalong pang namangha sa kanilang natuklasan.
Sa ilalim nga ng makinang pangtahi ng y*maong ina nina Tim, ay makikita ang nakatago pang pamana muli ng kanyang ina. At sa pagkakataong ito ay passbook na may lamang ipon ng kanyang ina, at mga salapi naman ang kanilang natagpuan.



Noong una nga ay talagang hindi makapaniwala si Tim at ang tiyahin nito sa mga nakita nila. Dahil halos apat na taon na mula ng yumao ang ina ni Tim, at ngayon lamang nila nadiskubre ang mga pamanang itinago nito para sa kanyang mga anak.
Ayon nga kay Tim ay taong 2016, ng y*mao ang kanyang ina, at ngayong 2020, nga lamang nila natagpuan ang mga itinago nitong pamana para sa kanilang magkakapatid.
Ang kwentong ito ni Tim, ay patunay nga lamang na ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak, ay napaka-wagas, at walang sinuman ang makakapantay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *