Silipin Ang Loob Ng Napakagandang Mansyon Ng Aktres Na Si Janice De Belen

Nakakabilib at nakakahanga nga naman ang mga bahay ng mga hinahangaan nating mga artista. Sa bawat tahanan ng mga artistang hinahangaan natin ay makikita kung gaano ang kanilang naging pagsusumikap sa kanilang karera sa showbiz upang maipakita ang kani-kanilang pinapangarap na bahay sa nais nitong disenyo at laki.

Image Credit via Google




Sa pamamagitan din ng mga nagiging pasilip ng mga kilala nating artista sa kani-kanilang mga tahanan, ay nagkakaroon din ang bawat isa sa atin ng mga bagong ideya, dekorasyon o disenyo na maaari nating mai-apply sa ating mismong tahanan.

Image Credit via Google

Isa sa mga kilala nating artista na mayroong maganda at magarbong tahanan ay ang aktres na si Janice De Belen, na kung saan ay makikita sa internet ang mga larawan ng kanyang ipinarenovate na tahanan.

Image Credit via Google

Napagpasiyahan ni Janice na iparenovate ang kanyang buong bahay dahil sa lumalaki na ang kanilang pamilya, at dumarami na rin ang mga kagamitan nila sa kanilang bahay. Sa tulong ng architect at interior designer na sina Dong Caritativo, Arlene Andres at Deng Gepanaga ay naging maganda ang renovation ng tahanan ng aktres.

Image Credit via Google

Dalawang Taon ang naging konstruksyon ng renovation ng buong bahay nina Janice, at taong 2014 ng makalipat ang kanilang pamilya sa bagong renovate na tahahan.

Image Credit via Google

Sa mga larawan ng bagong renovate na tahanan ni Janice, ay makikita na mas lumawak ang espayo nito at ang mga disenyo na nilagay rito ay child-friendly na maging kaaya-aya sa paningin ng kanyang mga apo.

Image Credit via Google

Pagpasok sa sala ng kanyang tahanan ay kapansin-pansin agad ang salaaming-pader na nagbibigay ng munting liwanag sa kabuuan ng malawak at maaliwalas na sala. Makikita rin dito ang iba’t ibang dekorasyon at mga koleksyon ng aktres.

Image Credit via Google

Hindi rin naman magpahuli sa lawak ang hapagkainan nina Janice, na may pag walang-tao na lamesa at sa may gilid na pader ay makikita ang isang display cabinet na kung saan nakalagay ang ilang magagandang gamit sa kusina ng aktres.

Ang kusina naman sa bahay ng aktres ay maihahalintulad sa mga modernong kusina na katulad ng sa mga mamahaling restoran.

Sa may pader naman sa bandang hagdan ng tahanan ng aktres, makikita ang mga naggagandahang paintings na gawa ni Pedro Garcia. Makikira rin sa iba pang bahagi ng bahay ni Janice ang ilan pang mga paintings na gawa ng ibang pintor, at ang kanyang koleksyon ng mga aklat.




Simple ngunit malawak naman ang mismong silid ng aktres. Ang silid naman ng kanyang anak na si Juan ay malawak rin at simple ang dating, ngunit makikita sa loob nito ang maraming lalagyan na para sa mga koleksyon nito.

Ang beranda naman ng tahanan ang bonding area ng pamilya ni Janice, at madalas ay dito rin sila kumakain na kasama ang kanyang mga apo.

Talaga nga namang kakaiba rin ang disenyo at ganda ng tahanan na ito ni Janice De Belen, at panibagong mga ideya na naman an gating nakita na pwede nating gawin sa ating mga tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *