Silipin Ang Luxurious House Ng Sikat Na Komedyanteng Si Allan K

Isa si Allan K sa mga komedyanteng matagal na sa industriya ng showbiz. Matagal na rin siya sa Noontime Show ng Kapuso Network na “Eat Bulaga”, kaya hindi naman imposible na nakapag pundar siya at magkaroon ng isang magarbo at magandang tahanan.

Photo Credit: allan_klownz/Instagram




Sa kanyang social media account, ay ibinahagi ni Allan K sa kanyang mga tagahanga at followers ang kanyang naipundar na tahanan. Ang ibang tagahanga ng nakikita ay nagsasabing ‘Yayamanin’ ang bahay ng komedyante dahil sa mga magagandang kagamitan na makikita rito.

Photo Credit: allan_klownz/Instagram

Isang Moderno ngunit iilan ang dekorasyon at kagamitan sa loob ng bahay ni Allan K. Makikita sa mga larawang ibinahagi ng komedyante na ang kanyang bahay ay nakukulayan ng white,silver at white gold kung saan nagbigay dito ng pang “yayamanin looks”.

Photo Credit: allan_klownz/Instagram

Ayon sa report ni Iya Villania sa GMA 24 Oras Chika Minute segment ay si Allan K lang ang nag-ayos ng kanyang bahay, dahil hilig umano nito ang pagdedesenyo ng bahay at pangarap nito ang maging isang interior designer.

Photo Credit: allan_klownz/Instagram

Ang bahay na ito ni Allan K ay maraming beses ng nafeatured sa mga websites, kung saan ay lagi itong hinahangaan ng mga nakakita dito dahil sa napakasimple pero napaka elegante ng disenyo at pagkaka ayos ng naturang bahay.

Photo Credit: allan_klownz/Instagram

Marami rin sa mga tagahanga ni Allan K, at mga netizens ang nagsasabing napakarelaxing ng kanyang bahay dahil sa kulay nito. Isa nga naman si Allan K, sa mga hinahangaan ngayon dahil sa pagkakaroon niya ng ganito kaganda ng tahanan na nagmula sa kanyang pagsisikap.

Photo Credit: allan_klownz/Instagram

Hindi nga naman imposible sa isang taong may pangarap na matupad ang mga bagay na gusto niya kung talagang pagsisikap at pagtatrabaho mo ito.

Photo Credit: allan_klownz/Instagram

Lahat nga naman ng pagod at pagsisikap ni Allan K ay nakita na niya ang mga naging bunga nito, isang napakagandang bahay at may mga negosyo na rin siyang naipundar.




Hindi man siya isang mayaman ng magsimula siya sa showbiz, ngayon naman ay isa na siya sa mga pumunta roon. Ngayon ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho sa showbiz si Allan K, isa siya sa nagbibigay saya at inspirasyon sa mga tao at kanyang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *