Silipin Ang Luxurious House Ni Jennylyn Mercado Sa Quezon City Na Bunga Ng Kanyang Pagiging Artista

Unang sumikat at nakilala sa industriya ng showbiz ang aktres na si Jennylyn Mercado ng siya ay tanghalin bilang first-ever grand winner ng StarStruck ng GMA-7. Sa pagkapanalo niyang ito, ay nagbukas ang maraming oportunidad sa aktres at isa nga sa mga naging bunga ng kanyang pagiging isang artista ay ang kanyang spacious home sa Quezon City.




Sa maikling panahon nga ng kanyang pagiging isang artista ay nabili ni Jennylyn ang isang bahay sa Quezon City, ito ay ng mga panahon na siya ay naghahanap ng bagong bahay upang makapagsimula ng bagong buhay.

Photo Credit via Google

Ipinarenovate ng aktres ang bahay na kanyang nabili mula sa simpleng disenyo nito noon, ay pinabago ito ng aktres na maging elegante ngunit kumportable ng tahanan. Tila naman isang apartment na makikita sa New York City ang naging kinalabasan ng tahanan na ito ng aktres sa Quezon City.

Halina’t silipin natin ang ilang bahagi ng tahanan na ito ng aktres;

FOYER

Photo Credit via Google

Makikita rito ang dalawang upholstered high-black chairs, na kung saan sa gitna ng mga ito ay may isang console table. Isang stylish Illuminati chandelier naman ang nakasabit sa kisame nito, na isa pa sa nagbibigay lalo eleganteng dating sa bahagi na ito ng tahanan ng aktres.

LIVING-AREA

Photo Credit via Google

Maliban nga sa magaling umawit ang aktres, ay marunong din gumamit ng instrument si Jennylyn at isa nga sa mga instrumenting kanyang kinahihiligan ay ang gitara kaya naman sa kanyang music nook sa may bandang living room ay may makikitang gitara at isang black Yamaha baby grand piano.

Isang napaka-aliwalas na living area naman mayroon ang tahanan na ito ng aktres, kung saan ay mayroon ditong tufted couch, ottoman at accent chairs na halos lahat ay kulay beige. Maging ang stripes color na carpet, ay bumagay ang mga kulay sa area na ito ng bahay ng aktres.

Sa may malapit na naman sa grand piano, ay makikita ang pintuan ng powder room na para sa mga magiging panauhin ng aktres.

KITCHEN AREA

Photo Credit via Google

Sa bahaging ito naman ng bahay ay makikita ang mga magaganda at mamahaling kitchen appliances. Kapansin-pansin rin na napakaspacious ng kusina na ito ng aktres, kahit pa nga ba marami ditong storage area.

GUEST ROOM

Photo Credit via Google

May isang extra room naman na matatagpuan sa unang palapag ng bahay ng aktres, na maaring gamitin ng kanyang mga magiging bisita. May sarili din itong bathroom, na may wall-mounted shelves na kung saan ay nakaayos ng pagkakalagay ang mga toiletries. Maging ang shower area nito, ay naka glass-enclosed.

SON’S BEDROOM

Photo Credit via Google

Star wars naman ang naging tema ng silid ng nag-iisang anak ni Jennylyn na Alex Jazz, kaya naman masasabi na pang batang lalaki talaga ang silid nito. Makikita na naman rito ang ilang mga shelves kung saan ay nakadisplay ang mga koleksyon laruan ni Jazz.

JENNYLYN’S BEDROOM

Photo Credit via Google

Kakaiba naman ang naging dating ng silid-tulugan ng aktres kumpara sa naging tema niya sa kabuuan ng kanyang bahay. Mapapansin ang pagka masculine ng silid na ito ni Jennylyn, na ang nagdisenyo ay ang Heim Interiors na si Rossy Yabut-Rosales. Mayroon din itong light pieces kung saan ay nagbibigay ng warm glow sa buong silid ng aktres.

Photo Credit via Google

May makikita ring painting sa may bandang uluhan ng kama ng aktres, at ang painting na ito pala ay likha ni Benedicto “BenCab” Cabrera ng National Artists of Visual Arts.

Photo Credit via Google

Makikita rin ang dalawang bisikleta ng aktres na nakasabit sa may dingding ng kanyang silid. Ang isa sa mga bisikleta ng ito ay mula pa sa Ital, at ito ay ginagamit ng aktres sa isang hindi malilimutang karera ng mga bisikleta na ginanap sa Bataan. Mayroon ding Pink-Dyed tufted couch sa silid ni Jennylyn, na nabili naman ng aktres sa MY Apartment.




Isang malinis na bathroom din ang mayroon sa silid na ito ni Jennylyn, na tila isang spa rin kung titingnan dahil sa kumpleto ito sa kagamitan. Mayroon din itong corner tub, open shower area at double sink.

WALK-IN CLOSET

Photo Credit via Google

Ang walk-in-closet naman ni Jennylyn ay naka konekta sa bathroom ng kanyang silid, upang mas madali ang magiging pagbibihis ng aktres pagkatapos niya magshower o vice versa.

Photo Credit via Google

Makikita naman dito ang isang magandang vanity mirror na may mga ilaw. At ang kanyang mga kagamitan tulad ng damit, bag at sapatos ay may kanya-kanyang lagayan na kung saan ay nakasalansan ito ng maayos sa sari-sarili nitong mga lagayan o cabinet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *